Dina Bonnevie, parang anak na ang turing kina Kristine Hermosa at Marc Pingris
- Si Dina Bonnevie ay naging tapat sa panayam sa kanya ni Boy Abunda
- Naitanong kasi si Dina tungkol kina Kristine Hermosa at Marc Pingris
- Nagpakatotoo naman ang beteranang aktres na hinangaan ng marami
- Gayunpaman, binigyang-diin pa rin ni Dina na iisa silang pamilya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Dina Bonnevie, isang beteranang aktres, ay naging tapat sa pagbabahagi ng kanyang relasyon sa kanyang mga in-laws na sina Kristine Hermosa at Marc Pingris. Sa kanyang most-recent guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsahan niyang sinagot ang tanong tungkol sa kanyang samahan sa pamilya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Boy Sotto.

Source: Youtube
"How is your relationship with Tin?" tanong ni Boy Abunda, na agad namang sinagot ni Dina: "I treat her like my own daughter, siguro the only difference is, if I would tell Danica, 'Uy Danica, ba't ganyan suot mo? Bakit ganyan eh pupunta lang tayo sa ganto?' diba I can openly say."

Read also
Dina Bonnevie, naging emosyonal nang alalahanin si DV Savellano: "Watching him die was traumatic"
Pinaliwanag pa ng aktres ang kahalagahan ng respeto at tamang boundaries bilang biyenan.
"Kay Tin medyo, di ko pwedeng pakialaman yun outfit niya, tipong ganun. 'O Danica, ano 'to? May mga kalat diyan, ang dami, dapat maayos yung bahay' ganyan ganyan, di ko pwedeng gawin yun kay Tin, pero una hindi naman kasi siya makalat. But you know, there are certain boundaries," dagdag pa ni Dina na sinang-ayunan naman ng 'King of Talk' sa kanilang interview.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin umano siya direktang nakikialam kay Marc. "I wouldn't also go to Marc diretso, kung may napapansin ako. Sasabihin ko sa anak ko pero hindi sa in law ko," aniya.
Gayunpaman, nilinaw niya na sa lahat ng bagay ay iisa sila bilang pamilya. "Pero with regard to everything, like, wala akong ano na, 'Di sila kasali.' In fact itong show na ito, hati kaming lahat."
Sa kanyang pagbabahagi, ipinakita ni Dina ang balanseng pananaw ng isang biyenan —pagbibigay-gabay kung kinakailangan, ngunit may hangganan upang mapanatili ang respeto at pagkakaunawaan sa kanilang pamilya, at pati na rin sa parte ng kanyang mga anak.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Dina Bonnevie ay isang beteranong Filipina actress na kilala dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula at telebisyon. Ipinamalas niya ang husay sa larangan ng pag-arte sa mga iconic films tulad ng Katorse, Magdusa Ka, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, at Gumapang Ka sa Lusak. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Dina sa kabilib-bilib niyang pagganap na nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kasalukuyan, bumabalik siya sa hosting bilang host ng bagong family talk show na House of D, kasama ang kanyang mga anak na sina Oyo at Danica Sotto, at ang mga asawa nila, na nagpapakita ng kanilang tunay na buhay bilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilan ni Dina Bonnevie na maging emosyonal sa latest episode ng FTWBA. Nag-open up kasi ang beteranang aktres tungkol sa kanyang yumaong asawa. Aniya Dina pa nga sa 'King of Talk' sa interview, noon pa man ay sinasabi na niya na gusto niyang mauna kay DV Savellano.
Samantalang ay talagang nawindang si Dina Bonnevie sa sagot ni Kristine Hermosa. Kamakailan ay nag-post sila ng bagong 'House of D' na episode sa YouTube. Dito ay tinalakay nila ang buhay-may-asawa at ang realidad na rin nito. Ngunit hindi talaga inaasahan ni Dina ang sagot na ito ng kanyang manugang sa viral interview.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh