Carol Banawa, emosyonal sa pagtatapos ng master’s degree sa nursing

Carol Banawa, emosyonal sa pagtatapos ng master’s degree sa nursing

-Ipinagdiwang ni Carol Banawa ang kanyang pagtatapos ng Master of Science in Nursing

-Sinimulan niya ang kanyang nursing journey noong 2005 bilang Certified Nurse Aide

-Binalikan ni Carol ang hirap ng pagsabay ng pagiging ina at estudyante sa gitna ng pandemya

-Inalay niya ang tagumpay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa Diyos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling pinatunayan ni Carol Banawa na ang isang ina, estudyante, at dating OPM icon ay kayang abutin ang pangarap sa kabila ng hirap, pagod, at sakripisyo. Sa kanyang Instagram post nitong Mayo 10, 2025, buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang pagtatapos niya ng Master of Science in Nursing – Family Nurse Practitioner degree sa Amerika.

Carol Banawa, emosyonal sa pagtatapos ng master’s degree sa nursing
Carol Banawa, emosyonal sa pagtatapos ng master’s degree sa nursing (📷@iamcarolbanawa/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe, inalala niya ang halos dalawang dekada niyang paglalakbay sa larangan ng nursing — mula sa pagiging Certified Nurse Aide noong 2005 sa Arizona, hanggang sa pag-abot ng master’s degree ngayong taon.

Ayon kay Carol, sinimulan niya ang kanyang master’s program noong kasagsagan ng pandemya. Bukod pa roon, buntis din siya noon sa bunsong anak na si Bella. “Balancing pregnancy, parenting, and a rigorous academic program during such uncertain times was far from easy,” ani ng dating singer. Hindi raw niya mabilang ang mga gabing kulang sa tulog, mahabang oras ng pag-aaral, at mga panahong kailangan niyang tanggihan ang simpleng kasiyahan para unahin ang academics.

Sa kanyang emosyonal na post, hindi nakalimutan ni Carol pasalamatan ang mga taong naging sandigan niya sa buong proseso. Inalala niya ang suporta ng asawang si Ryan Crisostomo, ang kanyang mga anak, ang kanyang ina at kapatid, pati na rin ang mga kaibigan na tumulong sa kanya sa panahon ng pangangailangan. At higit sa lahat, inalay niya ang tagumpay na ito sa Diyos: “You gave me strength when I had none, courage when I was afraid, and peace when I doubted. This achievement is Yours.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Carol, ang tagumpay na ito ay hindi lamang personal na milestone kundi isa ring inspirasyon sa mga taong pinagdaraanan ang mahirap at mahabang landas tungo sa kanilang mga pangarap. “To anyone who is on a long, hard road—keep going. One step at a time,” pahayag niya.

Si Carol Claire Aguilar Banawa ay isang kilalang OPM singer noong dekada 90 hanggang early 2000s. Sumikat siya sa mga awitin tulad ng "Bakit 'Di Totohanin," "Till My Heartaches End," at "Iingatan Ka." Matapos ang kanyang matagumpay na karera sa musika, nag-migrate siya sa United States at piniling tahakin ang landas ng pagiging nurse. Isa siya ngayon sa mga inspirasyong Pinoy na pinagsasabay ang karera, pagiging ina, at pananampalataya sa Diyos.

Noong 2020, kinumpirma ni Carol Banawa na buntis siya sa kanilang ikatlong anak ng asawang si Ryan. Ibinahagi niya sa social media ang kasiyahan at pasasalamat sa bagong biyaya sa kanilang pamilya. Kasabay ng kanyang pag-aaral noon, pinagsikapan ni Carol na maging present sa bawat yugto ng kanyang pagbubuntis.

Nag-open up si Carol tungkol sa mga panahong nakakaramdam siya ng kawalang gana at pagka-unhappy bilang isang ina at asawa. Ibinahagi niya na normal lang ang makaramdam ng pagod at pag-aalinlangan, ngunit mahalaga ang pagkakaroon ng self-care at pananampalataya. Nagbigay rin siya ng tips kung paano mapanatili ang emotional wellness habang pinagsasabay ang motherhood at ibang responsibilidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate