Carol Banawa, buntis sa ikatlong anak nila ng asawang si Ryan Crisostomo

Carol Banawa, buntis sa ikatlong anak nila ng asawang si Ryan Crisostomo

- Ibinahagi ng dating mang-aawit na si Carol banawa ang tungkol sa magandang balita na siya ay nagdadalang-tao

- Ipinagbubuntis niya ang pangatlong anak nila ng kanyang asawang si Ryan Crisostomo na isang US Military officer

- Bumuhos ang mensahe ng pagbati kay Carol lalo na mula sa kanyang mga tagahanga at mga dating kasamahan sa ABS-CBN

- Kasalukuyang naninirahan si Carol sa America kasama ang kanyang pamilya at nagtatrabaho bilang isang nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Carol Banawa na buntis na siyang muli sa anak nila ng kanyang asawang si Ryan Crisostomo na isang US Military officer.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating Kapamilya singer/actress ang litrato ng sonogram ng kanilang baby.

Inaasahan nilang isisilang niya ang sanggol sa April 2021.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga tagahanga ni Carol at maging sa mga dating kasamahan sa mundo ng showbiz noong siya ay kabilang pa sa mga Kapamilya artists.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang nurse at isang fronliner sa gitna ng laban kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang natapos ni Carol ang kanyang kursong nursing sa Northern Virginia Community College noong Mayo ng taong 2018 kung saan nagtapos siya bilang summa cǛm laude. Naging registered nurse siya noong July ng kaparehong taon.

Carol Banawa, buntis sa ikatlong anak nila ng asawang si Ryan Crisostomo

Carol Banawa/Instagram
Source: Instagram

Ilan sa mga pinasikat na awitin ng OPM singer ay “Tanging Yaman”, “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”. Bukod sa pag-awit ay nakitaan din siya ng potensiyal sa pag-arte kaya nabigyan din siya ng ilang TV shows at pelikula noong siya ay nasa Pilipinas pa lamang.

Matapos ang pinagdaanan ng kanyang dating home network na ABS-CBN, nagpahayag ng mensahe ng pagsuporta ang mang-aawit kahit pa wala siya sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

Bago pa man tuluyang nagsilbi bilang isa sa mga frontliners sa pag-asikaso ng mga COVID patients, ibinahagi ni Carol na nakaranas siya ng mga sintomas ng COVID. Gayunpaman, napagtagumpayan niya iyon at gumaling kahit pa hindi siya sumailalim sa pagsusuri upang makumpirma kung nagkaroon nga siya ng coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel