Xyriel Manabat, trending sa social media dahil sa kanyang glow up pictures

Xyriel Manabat, trending sa social media dahil sa kanyang glow up pictures

- Hot topic ngayon sa social media ang dating Kapamilya child star na si Xyriel Manabat

- Ito ay matapos niyang magbahagi ng kanyang mga picture sa kanyang Instagram account

- Agad na napansin ng mga netizens ang malaking pagbabago sa dating child star na ngayon ay 16 anyos na

- Nakilala si Xyriel sa kanyang mahusay na pagganap sa mga serye kagaya ng Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na kumalat ang mga litrato ni Xyriel Manabat matapos niya itong ibahagi sa social media. Marami ang nagulat sa kanyang mga glow up pictures lalo at matagal na rin na hindi siya napapanood sa telebisyon.

Isa sa pinakahuling serye na kanyang ginawa ay ang teleseryeng pinagbidahan ni Maja Salvador na Wildflower kung saan gumanap siya bilang batang Lily noong 2017.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad na nakasama ang kanyang pangalan sa mga trending topics sa social media matapos maging usap-usapan ang kanyang mga litrato.

Marami sa mga netizens ang nabigla na dalaga na pala ang batang mas nakilala bilang si Momay.

Xyriel Manabat, trending sa social media dahil sa kanyang glow up pictures

Xyriel Manabat (Photo from Instagram: xyrielmanabat_)
Source: Instagram

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon. Ang isa sa pinakahuling teleseryeng kanyang kinabilangan ay ang Wildflower kung saan gumanap siya bilang batang Lily Cruz.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay ibinahagi ni Xyriel na nagtapos siya sa High School. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan sa online world ang kanyang pictures. Kamakailan ay nag viral din ang kanyang ibinahaging picture sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel