Liza Soberano, game na game na kumasa sa "It really hurts" challenge

Liza Soberano, game na game na kumasa sa "It really hurts" challenge

- Isa si Liza Soberano sa mga kumasa sa makulit na challenge na "It Really Hurts"

- Sa kanyang wellness spa isinagawa ang nakakaaliw na challenge

- Game na game si Liza na halos nalibot na niya ang kanyang buong spa

- Naging kontrobersyal kamakailan ang aktres dahil sa mga post nito patungkol sa kanyang internet connection na naging usap-usapan ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Liza Soberano, game na game na kumasa sa "It really hurts" challenge

Liza Soberano (Photo from Liza Soberano's Instagram)
Source: Instagram

Mabilis na nag-viral ang video ni Liza Soberano kung saan game na game itong kumasa sa "It Really Hurts" challenge.

Ang challenge na ito ay pinamunuan ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh kung saan sumasayaw ito sa saliw ng kantang "Kabet" habang lumilipat sa iba't ibang bahagi ng kanilang bahay maging sa tabi ng kanyang nanay na nagsi-siesta.

Nalaman ng KAMI na ginawa ni Liza ang challenge sa pagbubukas ng Hope Wellness, ang kanyang spa business.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Binahagi ang video ng LizQuen Facebook page kung saan mapapansing mabilis dumami ang views nito.

Halos nalibot ni Liza ang buong bahagi ng kanyang spa habang ginagawa ang challenge at ginagaya ang signature face ni Mimiyuuuh.

Sa paglipat lipat niya ng pwesto sa Hope Wellness, mapapansin ang kanyang mga empleyado na nakasuot ng waterproof suits na tulad ng personal protective equipment.

Maging si Liza ay may suot din nito at mayroon din siyang face shield.

Naaliw ang maraming netizens sa kakulitang ipinakita ni Liza na kamakailan ay naipit sa kontrobersya.

Matatandaang ilang linggo lamang ang nakalipas nang maging usap-usapan online ang post niya patungkol sa mabagal at hindi raw magandang serbisyo ng isang internet provider sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinundan pa ito ng panibago niyang post tungkol sa sumaklolong telco na nagbigay ng mas magandang serbisyo sa kanya pagdating sa internet connection.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Di pa nagtatapos dito ang kontrobersyang ito dahil isa sa mga empleyado ng inireklamo ni Liza na internet provider ay buong tapang na binastos ang aktres.

Naglabas pa umano ito ng public apology habang siniguro naman ng kanyang kompanya na mabibigyan ito ng disiplina dahil sa nagawa niya kay Liza na hindi naman na nararapat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Liza Soberano ay isa sa mga kilalang aktres ng dating Kapamilya network. Halos lahat ng kanyang mga nagawang proyekto mapa-telebisyon man o pelikula ay pumatok sa sa mga Pinoy.

Bukod sa husay niya sa pag-arte at anging kagandahan, litaw din ng kabutihan ng kalooban ng aktres kaya naman marami rin siyang endorsements.

Sa ngayon, matatag pa rin ang relasyon nila ng 'reel and real' boyfriend niya na si Enrique Gil.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel