Rufa Mae Quinto, inaming mas pinili na nila ni Trevor ang maghiwalay

Rufa Mae Quinto, inaming mas pinili na nila ni Trevor ang maghiwalay

-Inamin ni Rufa Mae Quinto na hiwalay na sila ni Trevor Magallanes kahit legal pa silang kasal

-Sinabi niyang nirerespeto nila ang desisyon ng isa’t isa na mag-move on

-Aminado si Rufa na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon pero nagkaiba sila ng gusto sa buhay

-Nanatiling pangunahing prayoridad ni Rufa ang kapakanan ng kanilang anak na si Athena

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang emosyonal na panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng Kapuso comedienne at aktres na si Rufa Mae Quinto na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.

Rufa Mae Quinto, inaming mas pinili na nila ni Trevor ang maghiwalay
Rufa Mae Quinto, inaming mas pinili na nila ni Trevor ang maghiwalay (📷@rufamaequinto/Instagram)
Source: Instagram

Bagaman legal pa rin silang kasal, malinaw ang sinabi ni Rufa na pareho na nilang piniling mag-move on sa kanilang relasyon. “Move on muna, pero we respect each other. Kasi nga masyado nang ano eh—’di ba para mag-clarity na rin lahat,” pahayag niya.

Ayon sa aktres, wala namang samaan ng loob sa pagitan nila ni Trevor, ngunit hindi maiiwasan ang sakit. “Siyempre mahal ko, asawa ko ‘yun eh, ‘di ba? Hanggang ngayon naman asawa ko pa rin naman siya eh. Kaya lang, ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko ‘yun kasi mas kadiri naman kung ayoko pang tumigil, ‘di ba?” dagdag pa niya.

Aminado si Rufa na sinubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama, ngunit kalaunan ay napagtanto nilang may kanya-kanya na silang landas na nais tahakin. “Kaya lang siguro gusto lang namin ng magkaiba—maraming dahilan na hindi na rin namin alam basta mas masaya kami siguro nang ganito,” paliwanag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng lahat, nananatili pa rin ang respeto sa pagitan nilang mag-asawa at higit sa lahat, ang pagmamahal para sa kanilang anak na si Athena ang umiiral. Tiniyak ni Rufa na naiintindihan ng kanilang anak ang patuloy na presensya ng kanyang ama sa kanyang buhay. “Tatay mo ‘yan, hindi naman mapapalitan, ‘di ba? ‘Yan ang daddy mo habambuhay. Kaya kung hindi siya ngayon available or gusto niyang mag-rest or away, space, eh OK ‘yun. Wait lang tayo,” wika ng aktres.

Ibinahagi rin ni Rufa na si Athena ay dumaan sa emosyonal na pagsubok dulot ng kanilang sitwasyon bilang pamilya. “Siyempre may pinagdaanan din si Athena, na-depress din siya and everything,” aniya. Pero sa kabila ng lahat, patuloy ang pag-asa ni Rufa sa kinabukasan. “Pero lagi kong sinasabi na tomorrow is another day,” dagdag niya.

Ayon sa aktres, matagal na nilang nararanasan ang marital issues, ngunit pinili niyang manahimik upang protektahan ang emosyonal na kalagayan ng anak. “Iniisip ko ‘yung anak ko na papaano ‘yun baka mag-adjust, masaktan,” pagbabahagi ni Rufa.

Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz na sumikat sa kanyang natatanging estilo ng pagpapatawa at “sexy comedienne” branding. Noong 2016, ikinasal siya kay Trevor Magallanes, isang Filipino-American financial analyst, at makalipas ang isang taon ay isinilang ang kanilang anak na si Athena. Nanirahan si Rufa sa Amerika ilang taon ngunit kalaunan ay bumalik sa Pilipinas kasama ang anak. Sa kabila ng mga pagbabago sa kanyang personal na buhay, patuloy siyang aktibo sa showbiz at social media.

Masayang ibinalita ni Rufa na tuluyan nang naresolba ang kanyang kinahaharap na kaso tungkol sa isang investment scam. Sa kanyang post, nagpasalamat siya sa mga taong nanalangin para sa kanya at sa mga legal team na tumulong. Dagdag niya, matagal na panahon din niyang tiniis ang mga pangamba pero ngayon ay mas magaan na ang kanyang pakiramdam. “Tapos na!,” ani Rufa sa caption ng kanyang post.

Matapos ang mahabang laban sa korte, ipinagdiwang ni Rufa ang pagtatapos ng kanyang legal battle sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili. Ayon sa kanya, isa ito sa mga paraan niya upang ipagdiwang ang bagong simula. Nag-post siya ng mga larawan habang nasa beauty clinic at tila mas relaxed na siya ngayon. Ani Rufa, “Nagpa-fresh ako! Deserve ko 'to!”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate