Ate Gay, binaha ng “RIP” messages matapos ang pagpanaw ni Nora Aunor: “Maliiiiiii juskoooo po!”

Ate Gay, binaha ng “RIP” messages matapos ang pagpanaw ni Nora Aunor: “Maliiiiiii juskoooo po!”

- Naloka si Ate Gay sa mga netizen na nagpahatid ng “rest in peace” messages sa kanya sa social media

- Inakala ng ilan na siya ang pumanaw sa halip na ang kanyang idolong si Nora Aunor

- Personal na dumalo si Ate Gay sa burol ni Ate Guy at hindi napigilang maiyak sa harap ng media

- Malaki ang naging pasasalamat ni Ate Gay kay Nora Aunor na naging inspirasyon ng kanyang karera sa showbiz

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang kakaibang eksena sa social media ang kinaharap ng stand-up comedian na si Ate Gay, o Gil Aducal Morales sa totoong buhay, matapos siyang pagbaha ng mga mensaheng “Rest in peace” mula sa ilang netizens. Ito’y matapos ang malungkot na balita ng biglaang pagpanaw ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong April 16 dahil sa acute respiratory failure.

Ate Gay, binaha ng “RIP” messages matapos ang pagpanaw ni Nora Aunor: “Maliiiiiii juskoooo po!”
Ate Gay, binaha ng “RIP” messages matapos ang pagpanaw ni Nora Aunor: “Maliiiiiii juskoooo po!” (📷Gil Aducal Morales/Facebook)
Source: Facebook

Isa sa mga mensaheng ipinost ni Ate Gay sa kanyang Facebook account ay nagsabing, “Ate Gay Rest In peace po. Salamat po sa malaking contribution mo sa showbiz industry. Mananatili ka sa pusu’t isipan namin.” Sa kanyang caption, pabirong sagot ni Ate Gay: “Maliiiiiii juskoooo Po.”

Read also

Ate Gay nagpapasalamat sa career dahil kay Nora Aunor: Hindi siya maramot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang sinisikap ng komedyante na patawanin ang sarili at ang kanyang mga tagasubaybay, hindi rin niya maitago ang matinding lungkot sa pagkawala ni Ate Guy. Aniya sa parehong post, “Nagluluksa Ako dahil 3 dekada Kong bitbit Ang pangalang Nora Aunor sa pagiging Ate Gay ko…pero napatawa mo Ako, di ko alam kung pano mapapasaya tita mo.”

Kilala si Ate Gay bilang isa sa mga pinakasikat na impersonator ni Nora Aunor. Sa loob ng tatlong dekada, ginaya niya ang boses, kilos, at estilo ng Superstar na siyang nagbukas sa kanya ng maraming pintuan sa mundo ng komedya at showbiz. Naging parte siya ng mga comedy bar shows, TV appearances, at iba pang mga proyekto kung saan kanyang pinarangalan ang imahe ng kanyang idolo.

Kahapon, April 19, bumisita si Ate Gay sa burol ni Nora Aunor sa Heritage Park sa Taguig City. Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon habang nagbibigay ng panayam sa media. Ayon sa kanya, si Nora Aunor ang nagsilbing ilaw ng kanyang karera. “Dahil sa kanya, nagka-trabaho ako, nakilala ako. Hindi ko ‘to makakalimutan,” ani ng komedyante habang pinupunasan ang kanyang luha.

Read also

Teacher na nanindigan laban sa pagpapahubad ng toga sa mga estudyante, nagpaunlak ng panayam

Si Nora Aunor ay pumanaw matapos sumailalim sa isang medikal na procedure, ayon sa anak nitong si Ian De Leon. Nagdalamhati ang buong bansa sa pagkawala ng isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino.

Si Gil Morales, mas kilala bilang Ate Gay, ay isang kilalang stand-up comedian, singer, at impersonator sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang husay sa paggaya kay Nora Aunor, na naging daan upang makilala siya sa industriya ng showbiz. Taong 2012 nang magkaroon siya ng solo concert sa SM MOA Arena, kung saan naging panauhin pa niya si Nora Aunor. Bukod sa kanyang talento sa pagpapatawa, kilala rin si Ate Gay sa kanyang mga mash-up songs na kinagigiliwan ng marami.​

Ate Gay, inalala ang naranasang pagsubok nang magkaroon ito ng kakaibang sakit sa balat. Noong Hulyo 2021, naging bukas si Ate Gay sa publiko tungkol sa naranasan niyang matinding pagsubok matapos magkaroon ng kakaibang sakit sa balat. Ibinahagi niya na ito ay naging sanhi ng matinding pangangati at panunuyo ng kanyang balat, na naging dahilan upang siya’y hindi makapagtrabaho nang maayos.

Read also

Ashley Ortega, naikwentong nag-text agad sa kanya si Carmina pagkalabas ng PBB house

Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat sa mga kapatid para sa kanyang ikalawang buhay. Naging emosyonal si Ate Gay nang magpasalamat siya sa kanyang mga kapatid na walang sawang sumuporta sa kanya, lalo na noong mga panahong siya ay halos mawalan ng pag-asa. Inilahad ng komedyante na ang kanyang mga kapatid ang tumulong sa kanya para makabangon muli at ipagpatuloy ang kanyang buhay at karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate