Vice Ganda, inalmahan ang nagpost ng edited nyang video: "Evil!"
- Nagbigay ng reaksiyon si Vice Ganda sa isang putol na video clip na kumalat sa social media
- Isang netizen na may pangalang Modern Pinoy ang nagbahagi ng clip na tila nagpapakita ng pagkainis ni Vice kay Esnyr
- Nilinaw ni Vice Ganda na pinuri niya si Esnyr at proud siya sa influencer
- Umani ng suporta si Vice mula sa mga fans na humihikayat na huwag agad maghusga batay sa mga edited clips
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng pahayag si Vice Ganda sa social media matapos kumalat ang isang edited na video clip na nagpapakita umano ng pagkainis niya sa content creator na si Esnyr Ranollo.

Source: Instagram
Ang nasabing video ay ibinahagi ng social media user na may pangalang Modern Pinoy, kung saan makikitang sinasabi ni Vice: "Si Esnyr, may event ako iniinvite ko sya pero di sya pumupunta, Unkabogable ko ilang beses ko na sya ininvite pero di sya pumupunta."
Dahil sa pagkakaputol ng video, maraming netizen ang umalma at nagtaka kung may tensyon sa pagitan ng komedyante at ng kilalang influencer. Gayunpaman, agad itong sinagot ni Vice sa comment section ng post kung saan sinabi niyang: “You intentionally did not post the whole video with it’s full context to create controversy and issues that will create negativity. Evil!”

Source: TikTok
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kumpletong bersyon ng video, maririnig din ang pagpapatuloy ng pahayag ni Vice kung saan binanggit niya: “Pero pa talaga kami nagkakasama kaya wala pa kaming relationship pa pero of course I'm very proud of Esnyr. Brilliant.” Ipinakita rin dito ang pag-appreciate ni Vice sa talento at potensyal ni Esnyr bilang content creator.
Ikinagalit ng ilang followers ni Vice ang pagkakaputol ng video at nanawagan sila na huwag basta-bastang magbahagi ng misleading content. Ayon sa isang netizen, "Grabe 'yung clip, kung di mo panoorin nang buo, iisipin mo may issue sila. Buti na lang nilinaw agad ni Meme Vice." Marami rin ang humanga kay Vice sa pagiging kalmado at tapat sa pagpapaliwanag.
Si Vice Ganda, na may tunay na pangalan na Jose Marie Viceral, ay isang kilalang komedyante, aktor, singer, at host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang pangunahing host ng noontime show na It’s Showtime at sa kanyang mga matagumpay na pelikula tulad ng Praybeyt Benjamin, Fantastica, at The Super Parental Guardians. Bukod sa kanyang kontribusyon sa industriya ng aliwan, kilala rin siya bilang isang aktibong tagapagsalita para sa LGBTQ+ community at isang matagumpay na negosyante.
Samantala, si Esnyr Ranollo ay isang social media content creator na sumikat sa paggawa ng relatable skits tungkol sa life bilang estudyante. Sa kabila ng pagiging baguhan, malaki na ang naging impact ni Esnyr sa Gen Z audience at unti-unti na ring nakikilala sa mainstream media.
Nag-anunsyo si Vice Ganda ng isang 'Unkabogable Garage Sale' na layuning makalikom ng pondo para sa kanyang mga iskolar. Ito ay patunay ng kanyang malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa mga kabataang nangangarap makapagtapos ng pag-aaral.
Matapang na sinagot ni Vice Ganda ang mga bashers na bumatikos sa mga patakaran ng 'TNT Grand Resbak 2025'. Ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang noontime show, na nagpakita ng kanyang paninindigan sa kabila ng mga kritisismo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh