Sharon Cuneta, proud na pinakita ang malalaking peklat matapos ang surgery
- Ipinakita ni Sharon Cuneta ang malaking peklat sa magkabilang braso matapos ang surgery para alisin ang excess skin
- Bumisita siya sa clinic ni Dr. Aivee Teo kung saan ipinakita ang resulta ng kanyang operasyon
- Ibinunyag ni Sharon na nagpa-cosmetic surgery siya matapos mabawasan ng 100 pounds ang kanyang timbang
- Proud si Sharon sa kanyang weight loss journey at sinabing wala siyang dahilan para itago ang kanyang peklat
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi natinag sa mga negatibong komento, buong tapang na ipinakita ni Megastar Sharon Cuneta ang malaking peklat sa magkabilang braso na resulta ng kanyang surgery para alisin ang excess skin matapos ang kanyang matagumpay na pagpapapayat.

Source: Instagram
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Sharon ang ilang bahagi ng kanyang treatment journey upang mapaganda ang itsura ng kanyang peklat. Matatandaang noong nakaraang taon, inamin ng Megastar na sumailalim siya sa cosmetic surgery upang alisin ang mga nakalaylay na balat matapos siyang mabawasan ng 100 pounds.
Kamakailan lang, nagpunta si Sharon sa clinic ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo, kung saan ibinahagi niya ang resulta ng kanyang operasyon. “That’s the one, my surgery—when we removed skin,” pahayag ni Sharon habang ipinapakita ang mahaba niyang peklat sa braso. Dagdag pa niya, “Imagine ang laki ng excess skin d’yan na tinanggal.”
Para sa kaalaman ng marami, nasa ika-siyam na taon na si Sharon sa kanyang weight loss journey. Maliban sa pagtanggal ng excess skin, sinabi rin ng singer-actress na nagpa-bawas siya ng dibdib upang maiwasan ang sagging ng balat. “Because I lost so much weight, naturally, mas sagging ‘yung skin,” paliwanag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaliwanag pa ni Sharon, “Ang payat-payat ko na, ang laki pa ng balat. So, ipinatanggal lang ‘yung extra skin, ‘yun lang.” Buo rin ang kanyang loob na hindi ito itago. “And I don’t want to hide it. There’s no reason to, hindi naman nakakahiya,” aniya pa.
Sa kabila ng lahat, masayang ipinagmamalaki ni Sharon Cuneta ang kanyang transformation na nagbigay sa kanya ng mas magandang kalusugan at kumpiyansa sa sarili. Tunay na inspirasyon ang kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng kanyang kalusugan at pisikal na anyo.
Sharon Cuneta ay kilala bilang "Megastar" ng Philippine entertainment industry dahil sa kanyang matagumpay na karera bilang aktres, singer, TV host, at commercial endorser. Sumikat siya noong 1978 sa edad na 12 sa pamamagitan ng kanyang hit song na “Mr. DJ” at naging box-office queen sa maraming pelikula tulad ng “Bituing Walang Ningning” at “Madrasta.” Naging host din siya ng ilang talk shows at reality programs gaya ng “The Sharon Cuneta Show” at “The Voice Philippines.” Siya ay dating asawa ni Gabby Concepcion at ina ni KC Concepcion.
Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.
Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh