Ogie Diaz, may binahagi tungkol kay Enrique Gil: "Love pa rin niya si Liza"
- Isiniwalat ni Ogie Diaz na mahal pa rin ni Enrique Gil si Liza Soberano
- Naganap umano ang hiwalayan ng LizQuen noong 2022 bago pa maghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
- Ibinunyag ni Ogie na nakakaramdam pa rin ng kilig si Enrique tuwing makatanggap ng mensahe mula kay Liza
- May bago nang pag-ibig si Liza na si Jeffrey Oh ayon kay Ogie Diaz
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matatandaan na maraming proyekto ang pinagsamahan ng LizQuen tandem, at naging magkasintahan rin sila sa totoong buhay. Subalit, nagtapos ang kanilang onscreen partnership nang magdesisyon si Liza na ituloy ang kanyang Hollywood career matapos magpaalam kina Ogie Diaz at Star Magic ng ABS-CBN.

Source: Instagram
Bagamat maraming haka-haka tungkol sa hiwalayan ng LizQuen, walang direktang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Liza at Enrique. Noong Disyembre 2023, naiulat ng PEP na sa isang "unreleased interview," inamin ni Liza ang kanilang paghihiwalay na naganap noong 2022, bago pa man maghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa kabila ng mga balita ng hiwalayan, sinabi ni Enrique sa ilang panayam na magkasama pa rin sila ni Liza. Nauna nang kinumpirma ni Ogie Diaz ang hiwalayan ng LizQuen. May mga alegasyon din na may espesyal na ugnayan si Liza sa kanyang kasalukuyang manager na si Jeffrey Oh.
Sa isang kamakailang episode ng "Showbiz Update," ang YouTube talk show ni Ogie, sinabi niyang hindi pa tiyak kung magkakaroon ng reunion project ang LizQuen. Noong Pebrero, lumabas ang mga bali-balitang may paparating na proyekto para sa tambalan nina Liza at Enrique.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Ogie, dapat magdiwang ang mga tagahanga kung magsisimula na ang pagkuha ng eksena. Aniya, may mga proyekto na nasimulan na ang shooting ngunit biglang naisantabi. Kamakailan lamang, lumutang ang ulat na may paparating na proyekto para sa LizQuen.
Ibinunyag din ni Ogie na tuwing makatanggap si Enrique ng text message mula kay Liza, nakakaramdam pa rin ito ng kilig at saya.

Read also
Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko
"Kasi ang alam ko, parang nagtetext o nagmemessage si Liza kay Enrique, sobrang excited daw si Enrique, kinikilig pa rin. Love pa rin niya si Liza," pagbabahagi ni Ogie. Nang tanungin ng co-host ni Ogie na si Dyosa Pockoh kung mahal pa rin ni Liza si Enrique, sinabi ni Ogie na hindi niya ito alam.
Dagdag pa ni Ogie, may bagong pag-ibig na ngayon si Liza, na si Jeffrey Oh. "Hindi natin alam, let’s wait and see," ani Ogie.
Si Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager na si Ogie Diaz.
Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Enrique Gil sa kaarawan ni Liza. Binahagi ni Enrique ang ilan sa mga pictures nilang magkasama sa kanyang social media post. Maikli ngunit nakakakilig ang naging mensahe ni Enrique kay Liza. Ikinatuwa naman ng mga netizens na makitang maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng lumalabas na espikulasyon.
Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh