Andrea Brillantes, nilinaw ang tunay na status ng pakikipag-date kay Sam Fernandez
- Kinumpirma ni Andrea Brillantes na siya ay nasa dating stage kasama ang non-showbiz na si Sam Fernandez
- Nilinaw ng aktres na hindi pa sila opisyal na magkasintahan at matagal na silang magkaibigan
- Maraming beses na silang namataan na magkasama, kabilang na noong Valentine's week at sa Lucky Beauty event
- Ipinahayag ni Brillantes na ang kanyang birthday wish ay mapanatili at mapalakas ang kanyang relasyon sa Diyos
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Inamin ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang estado ng kanyang buhay pag-ibig. Sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, inamin ng aktres na siya ay may dine-date sa kasalukuyan.

Source: Instagram
"Sinabi ko naman na open ako sa pagde-date kasi dalawang taon na rin akong walang boyfriend. Naloloka ako kasi ang daming nagsasabi na bakit may boyfriend na raw ako agad, pero I’m just dating," pahayag ni Brillantes sa backstage interview ng Lucky Beauty second anniversary event noong Biyernes.
Dagdag pa ng aktres, "I am dating someone right now."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang nasabing lalaki ay si Sam Fernandez, isang Filipino-Jordanian at dating manlalaro ng basketball noong high school sa San Beda University.
"He’s a private person. Non-showbiz siya," paglilinaw ni Brillantes. Nang tanungin kung si Fernandez ang nagbigay sa kanya ng maraming bulaklak, mabilis itong sumagot ng, "Yes. He’s also not a basketball player. He used to play."
Ayon pa sa aktres, matagal na silang magkaibigan ni Fernandez. "I’ve known him for a while. We’ve been friends for many, many years."
Marami na ring sightings ang dalawa, kabilang na noong Valentine's week kung saan namataan si Brillantes na may hawak na bouquet ng pink roses kasama si Fernandez. Nitong Biyernes, sa Lucky Beauty event, muli silang nakita na magkasama.
Gayunpaman, nilinaw ni Brillantes na wala pa siyang opisyal na relasyon kay Fernandez at nasa dating stage pa lamang sila. "Nagulat ako kasi ang daming articles na lumalabas na sinasabing kami na. Gusto ko lang linawin na hindi pa kami, we’re still dating."
Sa darating na Marso 12, ipagdiriwang ni Brillantes ang kanyang ika-22 na kaarawan. Bagama’t may trabaho siya sa mismong araw, nakapagplano na siya ng isang pribadong selebrasyon kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.
"Ever since nilabas ni Taylor Swift 'yung kanta niyang ‘22,’ inabangan ko talaga na mag-22 ako. Nakaplano na 'yung birthday shoot ko, 'yung birthday party ko, and everything," aniya.
Sa loob ng nakalipas na dalawang taon, dumaan si Brillantes sa maraming pagsubok at kontrobersya. Ngunit sa kabila nito, natutunan niyang harapin ang mga hamon sa buhay. "Kahit ano pang ibato, it’s really up to you as a person kung paano mo dadalhin."
Ngayon, masaya ang aktres sa kanyang buhay at nagpapasalamat sa mga magagandang pangyayari. "Life talaga is a roller coaster; one day nandoon ako, next time ganito. But it’s still life. I’m still grateful for everything. Up pa 'yan o down pa 'yan."
Pagdating naman sa kanyang birthday wish, inihayag ni Brillantes ang kanyang panalangin na mapanatili ang kanyang relasyon sa Panginoon. "Hindi mawala 'yung relationship and faith ko with Lord. At ma-strengthen lang 'yung relationship ko sa Kanya. Kasi sa Kanya lang din nanggaling 'yung peace and happiness ko. So, I believe if I just keep on pressing with my relationship with God, kahit ano pang obstacle 'yan kakayanin ko 'yan."
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.
Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Palagi siyang nababatikos noon dahil sa kanyang paraan ng pananalita. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh