Ryza Cenon, ibinenta kay Boss Toyo ang iconic toy gun mula sa ‘Ika-6 Na Utos’

Ryza Cenon, ibinenta kay Boss Toyo ang iconic toy gun mula sa ‘Ika-6 Na Utos’

- Ibinenta ni Ryza Cenon kay Boss Toyo ang iconic na Nerf gun na ginamit niya sa teleseryeng Ika-6 Na Utos sa halagang sampung libong piso

- Ang naturang toy gun ay naging viral matapos itong gamitin ni Ryza sa isang confrontation scene kasama si Sunshine Dizon

- Pinirmahan ng aktres ang laruan bago ito mapasama sa koleksyon na ilalagay sa itatayong museo ni Boss Toyo

- Inamin ni Ryza na nagduda siya noon kung akma ba ang paggamit ng toy gun sa eksena ngunit kalaunan ay naintindihan niyang bahagi ito ng creative storytelling

Matapos ang ilang taon mula nang mag-viral ang kanyang eksena sa teleseryeng Ika-6 Na Utos, ibinenta na ni Ryza Cenon ang iconic na Nerf gun na ginamit niya sa serye. Ang naturang laruan ay naging bahagi ng isang memorable confrontation scene sa pagitan ng kanyang karakter na si Georgia Ferrer at ng karakter ni Sunshine Dizon na si Emma Doqueza.

Read also

Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

Ryza Cenon, ibinenta kay Boss Toyo ang iconic toy gun mula sa ‘Ika-6 Na Utos’
Ryza Cenon, ibinenta kay Boss Toyo ang iconic toy gun mula sa ‘Ika-6 Na Utos’ (📷Boss Toyo Production/YouTube)
Source: Youtube

Dinala ni Ryza ang toy gun kay Boss Toyo, isang kilalang collector at online seller, kung saan napagkasunduang bilhin ito sa halagang ₱10,000. Bilang bahagi ng transaksyon, pinirmahan pa ng aktres ang toy gun, na ngayon ay magiging bahagi ng museo na itinatayo ni Boss Toyo.

Ayon kay Ryza, noong ginagawa nila ang eksena ay nagduda pa siya kung tama bang gumamit ng laruan bilang props sa isang seryosong confrontation scene. Ngunit kalaunan ay napagtanto niyang bahagi ito ng creative approach ng kanilang script. Ang eksena kung saan tinutukan ni Georgia ng toy gun si Emma sa isang toy store ay nagbunga ng sandamakmak na memes at viral clips sa social media.

Bukod sa iconic gun scene, naging usap-usapan din noon ang iba pang memorable confrontations nina Georgia at Emma sa serye, tulad ng paghahampasan ng balut sa parke at paglulublob sa aquarium na puno ng hipon at lobster. Dahil sa matinding impact nito sa pop culture, ang pagbebenta ni Ryza ng toy gun ay tila isang piraso ng kasaysayan ng Pinoy teleserye na ngayon ay mapapabilang na sa isang koleksyon.

Read also

Mark Herras, may paglilinaw: "Wala namang masama magbigay ng bulaklak"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.

Binahagi ni Ryza Cenon ang update kaugnay sa kanyang natanggap na water bill na umabot sa mahigit P120,000. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ryza na pinayuhan sila na ipa-check ang tubo kung may tagas at mayroon nga ngunit maliit lang naman umano kaya pinagtataka niya kung bakit umabot sa ganoong halaga.

Nagbahagi ng house tour si Ryza Cenon sa pinagawa nilang bahay. Ito ang una nilang family home kaya naman gumastos daw sila nang todo para dito. Gayunpaman, aminado si Ryza na hindi sila masyadong masaya sa kinalabasan ng kanilang bahay dahil hindi daw pulido ang pagkakagawa. Aniya, natagalan ang kanyang pag house tour dahil kinailangan nilang tumira sa ibang lugar tuwing may problema at kailangang ayusin ng contractor.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: