Ivana Alawi, mas pinipili muna ang pamilya at career kaysa sa pag-ibig

Ivana Alawi, mas pinipili muna ang pamilya at career kaysa sa pag-ibig

- Inamin ni Ivana Alawi na patuloy siyang nakikipag-date ngunit wala pa siyang seryosong karelasyon

- Mas pinipili niyang mag-focus muna sa kanyang showbiz career at pamilya bago pumasok sa isang relasyon

- Ibinunyag niyang mas gusto niyang makarelasyon ang isang non-showbiz guy dahil sa hindi magandang karanasan sa dating mga showbiz personalities

- Hindi rin niya ini-entertain ang mga politikong nanliligaw sa kanya at mas nais niyang makasama ang isang taong may malasakit sa iba

Ayon kay Ivana Alawi, nakikipag-date siya ngunit inamin niyang wala pa siyang seryosong karelasyon. Mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang showbiz career at sa pamilya bago pumasok sa isang matibay na relasyon.

Ivana Alawi, mas pinipili muna ang pamilya at career kaysa sa pag-ibig
Ivana Alawi, mas pinipili muna ang pamilya at career kaysa sa pag-ibig (📷@ivanaalawi/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang thanksgiving party noong March 7, ibinunyag ni Ivana na mas gusto niyang makarelasyon ang isang non-showbiz guy dahil sa kanyang mga hindi magandang naging karanasan sa dating mga showbiz personalities. Aniya, may ilan sa kanila ang gumagawa sa kanya bilang "sugar mama" o hindi handang mag-share sa gastusin.

Read also

Rufa Mae Quinto, nawindang sa isa na namang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan

Bukod dito, ayaw rin niyang makasama ang isang lalaking nakikita niyang may maseselang eksena sa iba, lalo na't siya mismo ay may ganitong eksena sa kanyang trabaho bilang aktres. “Dapat kaya niya ako, kasi ako, may kissing scenes at bed scenes. Pero ako, hindi ako ready para sa kanya,” pabirong sabi ni Ivana.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagamat may ilang politiko ang nanliligaw sa kanya, inamin ni Ivana na hindi niya ini-entertain ang mga ito. Mas gusto niya ang isang simpleng tao na may malasakit sa iba at handang tumulong sa nangangailangan. Para sa kanya, higit na mahalaga ang oras kasama ang pamilya kaysa sa anumang halaga ng pera. Sa ngayon, mas inuuna muna niya ang kanyang adbokasiya na tumulong sa mga vendors, magsasaka, at mangingisda bago magseryoso sa pag-ibig.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"

Naglabas ng pahayag ang LVNA by Drake Dustin kaugnay ng desisyon ni Ivana Alawi na umalis bilang endorser at business partner ng Cebu branch. Kinumpirma ni Drake Dustin Ibay na matagal na nilang napagkasunduan ang pagtatapos ng kanilang partnership ngunit patuloy pa rin ang pag-uusap sa mga pinal na kasunduan. Nagpasalamat ang LVNA kay Ivana para sa naging malaking kontribusyon nito sa paglago ng kanilang brand at para sa mga sandaling kanilang pinagsamahan. Nanatiling positibo ang pahayag ng LVNA at inihayag na mananatili si Ivana bilang mahalagang bahagi ng kanilang kwento at tagumpay.

Binahagi ni Ivana Alawi ang kanyang video kung saan napagpasyahan niyang idaan sa prank ang pagbigay-pugay niya sa kanilang driver na walong taon na sa kanila. Palagi umano itong kasa-kasama ni Ivana at palaging nakakasaksi ng mga prang-pa-prank ng amo. Sa naturang video ay napagkaisahan nila ang driver sa pamamagitan ng pagtangay ng nakaparadang kotse ni Ivana na nagkakahalaga ng 20 M. Hindi nito napigilang maiyak lalo nang sabihin ni Ivana na ipapa-pulis umano niya ito at baka may kakuntsaba ito na tangayin ang kanyang kotse.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: