Vice Ganda, hindi natuloy mag-perform sa Barako Festival
- Mabilis na kumalat ang balitang nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance
- Nilinaw ng isang malapit kay Vice na hindi ito walkout kundi isang teknikal na problema dahil mali ang music na pinatugtog para sa kanyang performance
- Bagamat hindi na siya sumayaw, nagsalita pa rin si Vice sa stage at binati sina Ate Vi at isang Party-list group bago siya umalis
- Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice bago ang event, ngunit nanatili namang maayos ang kanyang relasyon sa organizers at mga panauhin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mabilis na kumalat ang espekulasyon na nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival sa Lipa City, Batangas matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance.

Source: Instagram
Gayunman, base sa mga netizens na umano'y nakapanood sa Unkabogable Star, hindi ito maituturing na walkout kundi isang teknikal na problem sa music. Nagpatuloy pa rin daw si Vice sa pagbati sa audience at kina Vilma Santos-Recto pati na rin sa isang Party-list group bago ito umalis ng stage.
Magpe-perform na sana si Vice Ganda at handang-handa na ito kasama ang kanyang 20 backup dancers at may apat na costumes. Pero bago pa man magsimula ang performance, nagkaproblema na raw sa music.
PAgtatanggol ng mga netizens, hindi kasalanan ni Vice ang nangyari at nairita ito dahil mali ang isinalang na music, dahilan upang hindi na niya ituloy ang pagsayaw. Idinagdag rin nito na dapat ay ang tech team ang sisihin sa insidente at hindi si Vice.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng aberya, pinili pa rin ni Vice na makipag-usap sa audience at ipromote ang ilang personalidad na naroon. Dahil dito, nilinaw ng source na hindi totoong nag-walkout ang komedyante.
Sa mga lumabas na video, makikita na nagsimula na ang dance number ni Vice at ng kanyang backup dancers bago ito huminto at umalis ng stage matapos mapansin ang maling tugtog.
Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice ilang araw bago ang event, ngunit sa kabila nito, napanatili naman ang maayos niyang relasyon sa organizers at mga panauhin ng festival.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit.
Isa sa mga bigating bituin na dumalo sa ginanap na Konsyerto sa Palasyo ngayong Linggo, Disyembre 15, sa Kalayaan Hall Grounds, Malacañang Palace, Maynila ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Bukod dito, muling babalik si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh