Karylle, nilinaw na hindi pa siya buntis: "I hate fake news"
- Muling pinabulaanan ni Karylle ang maling balitang siya ay buntis sa ikatlong pagkakataon sa kanyang podcast na K’s Drama
- Naikwento niya na may mga tao pang bumabati sa kanya sa kalsada dahil inakala nilang siya ay nagdadalang-tao
- Iginiit niyang marami nang nalinlang sa pekeng balita at mariin niyang sinabi na "I hate fake news"
- Nagkaroon siya ng diskusyon tungkol sa legalidad ng fake news kasama ang dating BIR commissioner na si Atty. Kim Henares
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing itinanggi ng actress-TV host na si Karylle ang lumalaganap na balitang siya ay buntis na. Sa pinakabagong episode ng kanyang podcast na K’s Drama, muling pinabulaanan ng Kapamilya star ang maling impormasyon na ito.
![Karylle, nilinaw na hindi pa siya buntis: "I hate fake news" Karylle, nilinaw na hindi pa siya buntis: "I hate fake news"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/23bd1ab5db02a321.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Naikwento pa ng aktres na may pagkakataong may huminto pa sa kanya sa kalsada upang batiin siya, sa pag-aakalang siya ay nagdadalang-tao.
“I have to explain, of course, that I’m not pregnant,” pahayag ni Karylle.
Paliwanag niya, ito na ang ikatlong beses na lumaganap ang ganitong haka-haka tungkol sa kanya kaya alam niyang walang saysay ang patuloy na pagpapaliwanag.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Iginiit pa ni Karylle na hindi lang ito simpleng tsismis dahil marami na umano ang nalinlang sa pekeng balita.
“I think it’s not about education level; a lot of people have been fooled by this news. So I’m here to tell you once again that the news is fake,” aniya.
Sinabi rin niyang hindi niya gusto ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
“I hate fake news,” giit ng TV host.
Bagamat hindi niya itinuturing na masama ang pagbati ng mga tao sa kanya, iginiit niyang hindi dapat nagiging normal ang pagkakalat ng hindi beripikadong balita.
Dahil dito, nagkaroon siya ng mas malalim na talakayan tungkol sa legalidad ng pagharap sa fake news kasama ang dating BIR commissioner na si Atty. Kim Henares.
Matatandaang ikinasal si Karylle sa Sponge Cola frontman na si Yael Yuzon noong 2014. Matapos ang isang taon ng kanilang kasal, inamin ng aktres na bukas na siya sa pagkakaroon ng anak.
“We are ready when the good Lord says it’s time. The time will come. Everything in God’s perfect time,” pahayag niya noon.
Bagamat handa na siya sa pagiging isang ina, nilinaw niyang hindi pa dumarating ang tamang panahon para rito.
Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.
Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.
Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh