'Ni Yao De Ai' performance ni Sandara Park, muling nag-viral

'Ni Yao De Ai' performance ni Sandara Park, muling nag-viral

  • Muling nag-viral ang performance ni Sandara Park habang kinakanta ang isa sa mga 'Meteor Garden' soundtrack
  • Ito ay naiuugnay ngayon ng publiko sa pagpanaw ng Meteor Garden actress na si Barbie Hsu
  • Matatandaang si Barbie ang lead actress sa nasabing series na pumatok sa Pilipinas noong early 2000
  • Samantala, si Sandara Park naman ay isang Korean singer actress na tulad ni Barbie ay napamahal din sa maraming Pilipino

Viral ang performance ni Sandara Park ilang linggo na ang nakalilipas kung saan inawit niya ang isa sa mga soundtrack ng seryeng Meteor Garden na 'Ni Yao De Ai.'

Sandara Park
Screengrab from Gher Lee / Kapamilya Online World
Source: Facebook

Marami ang naging emosyonal at aminadong naantig ang puso nang muling mapanood ang performance ni Sandara ilang araw matapos ang pagpanaw ng Meteor Garden lead actress na si Barbie Hsu.

Ang pagtatanghal na ito ni Sandara na ibinahagi rin ng Kapamilya Online World ay tunay na nakakaantig ng puso, lalo na sa mga Pilipinong nagmamahal sa parehong aktres.

Read also

Josh Santana, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu

Matatandaang si Barbie Hsu ang gumanap bilang si Shan Cai sa Meteor Garden, isang drama na minahal ng maraming Pilipino

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, si Sandara Park naman, isang Korean singer-actress, na tulad ni Barbie, isang personalidad na naging malapit sa puso ng mga Pinoy. Matatandaang, minsan siyang binansagan bilang 'Pambansang Krung Krung' ng Pilipinas bago pa man siya maging miyembro ng KPop group na 2NE1.

Aminado ang mga muling nakapanood ng naturang video na sila'y naging emosyonal lalo na at naalala nila ang yumaong aktres na minsang nagpasaya at nagpakilig sa hapon ng mga Pilipino.

Narito ang kabuuan ng performance ni Sandara na ibinahagi ni Gher Lee:

Si Barbie Hsu, isang Taiwanese actress na kilala sa kanyang papel bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ay nag-iwan ng malalim na marka sa puso ng maraming Pilipino. Ang kanyang pagpanaw noong Pebrero 2, 2025, sa edad na 48, ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga tagahanga hindi lamang sa Taiwan, kundi pati na rin sa Pilipinas, kung saan siya ay naging isang simbolo ng kabataan, pag-ibig, at inspirasyon.

Read also

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

Samantala, ang Meteor Garden na sang Taiwanese drama na ipinalabas noong 2001, ay isang malupit na tagumpay sa buong Asya, lalo na sa Pilipinas. Si Barbie Hsu, bilang Shan Cai, ang naging sentro ng kwento kung saan hinangaan siya ng marami sa taglay niyang tapang at determinasyon na harapin ang buhay, kahit na napapalibutan ng mga mayayaman at makapangyarihang tao. Mabilis na nakabuo ng fanbase ang seryeng ito na kahit makailang beses nang ipalabas sa telebisyon ay marami pa rin ang tumatangkilik.

Dahil sa tagumpay ng Meteor Garden, nakilala si Barbie hindi lamang bilang isang aktres kundi pati na rin bilang isang cultural icon. Ang kanyang magandang mukha, simpleng charm, at matibay na pagganap ang siyang nagpalago ng kanyang popularidad sa Pilipinas.

Gayundin ang kanyang mga co-stars sa nasabing serye na sina Jerry Yan, Vanness Wu, Vic Chou at Ken Chu ay pumukaaaaw din ng atensyon sa maraming Pilipino. Katunayan, ilang serye pa ni Jerry Yan ay sinuportahan din at tinangkilik ng kanyang mga Pinoy fans.

Read also

Ken Chu, nag-post kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica