Nina, hindi bukas na makatrabahong muli ang ex: 'Hindi kami okay"

Nina, hindi bukas na makatrabahong muli ang ex: 'Hindi kami okay"

  • Inamin ng singer na si Nina na hindi na sila okay ng dating nobyo na si Nyoy Volante
  • Sinabi niyang napatawad na niya si Nyoy pero ayaw na niya itong makatrabaho o makasama sa anumang proyekto
  • Hindi kasama si Nina sa nalalapit na Sessionistas show sa Pebrero 8 dahil sa sarili niyang concert sa Pebrero 7
  • Iniiwasan ng manager ni Nina na maisama siya sa anumang proyekto kung kasama si Nyoy Volante

Sa naging panayam sa singer na si Nina sa online show na "Showbiz Update" nina Ogie Diaz at Mama Loi, naging bukas ang tinaguriang Asia’s Diamond Soul Siren tungkol sa estado ng relasyon niya sa dating nobyo at kapwa singer na si Nyoy Volante.

Nina, hindi bukas na makatrabahong muli ang ex: 'Hindi kami okay"
Nina, hindi bukas na makatrabahong muli ang ex: 'Hindi kami okay" (@soulsiren_nina/Instagram)
Source: Instagram

"Hindi kami okay, hindi kami forever… ay forever!" natatawang sagot ni Nina nang tanungin tungkol sa kanilang relasyon. Ayon pa sa singer, bagama’t napatawad na niya si Nyoy, wala na umano itong tsansa na bumalik sa kaniyang buhay.

Read also

Rufa Mae, naikwentong nahimatay siya sa US; ipinakita ang nangyari sa kanyang mukha

Inamin ni Nina na iniwasan niyang makasama si Nyoy sa anumang proyekto. “Depende sa manager ko kung sino ang gusto niyang makasama ko,” ani Nina na sinamahan pa ng tawa. Dagdag pa niya, kapag may offer na show, tinitiyak ng kaniyang manager na hindi nila magiging kasama si Nyoy.

Muling inulit ni Nina na napatawad na niya ang dating nobyo, ngunit wala na umano silang kailangang ayusin pa. Nang tanungin kung paano sila nagkikilos kapag nagkikita, sinabi niyang may iwasan na lamang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pahayag ni Nina ay nagdulot din ng haka-hakang ito ang dahilan kung bakit wala siya sa nalalapit na pre-Valentine show ng Sessionistas na gaganapin sa Pebrero 8 sa The Theater sa Solaire. Ayon sa grupo, mayroon umanong sariling show si Nina sa Pebrero 7 na "Love Matters" sa New Frontier Theater, kaya hindi siya makakasama.

Gayunpaman, tila may posibilidad na hindi na talaga makasama si Nina sa Sessionistas kung si Nyoy ay bahagi rin ng grupo. Sa kabilang banda, umaasa ang Sessionistas na makakabahagi si Nina sa kanilang second-night show sa Abril 4 kung mababago ang sitwasyon.

Read also

Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu

Hindi na lingid sa publiko ang isyu sa pagitan nina Nina at Nyoy, na nag-ugat umano sa utang ng pamilya ni Nyoy na kalauna’y naayos din. Ngunit matapos ang kontrobersiyang ito, hindi na muling bumalik ang magandang samahan ng dalawa, kahit pa naging bahagi sila ng iisang grupo sa "ASAP Sessionistas" na sinimulan noong 2009.

Sa kabila ng lahat, nananatiling bukas si Nina na ituloy ang kaniyang karera nang hiwalay kay Nyoy, habang pinaninindigan ang kaniyang desisyon na huwag nang makatrabaho ang dating nobyo.

Si Nina o Marifil Niña Girado-Enriquez sa totoong buhay ay isang kilalang Filipino singer na tinaguriang Asia's Diamond Soul Siren. Sumikat siya dahil sa kanyang mga awiting may emosyon at makapangyarihang boses. Ilan sa kanyang mga hit songs ay ang "Love Moves in Mysterious Ways," "Someday," at "Jealous."

Matatandaang binahagi ni Nyoy Volante ang malungkot na kwento sa likod ng kantang "Someday," ang sikat na awitin na kanyang nilikha at inawit ni Nina. Inamin niya na ito ay batay sa isang personal na karanasan at nagsisilbing awit para sa mga taong nararapat sa mas mabuti.

Read also

Lolit Solis, naawa raw kay Mark Herras sa pag-perform sa gay bar: "Parang lowest na ‘yon"

Samantala, biniro ni Vice Ganda si Nyoy Volante sa isang kamakailang episode ng "It’s Showtime".Ang biro ng aktor ay patungkol sa kontrobersyal na singer na si Jimmy Bondoc. Tawanan ang mga studio audience at mga host ng programa matapos marinig ang pahayag ni Vice.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate