Lolit Solis, naawa raw kay Mark Herras sa pag-perform sa gay bar: "Parang lowest na ‘yon"

Lolit Solis, naawa raw kay Mark Herras sa pag-perform sa gay bar: "Parang lowest na ‘yon"

  • Nag-react si Lolit Solis sa balitang nag-perform si Mark Herras sa isang gay bar sa Roxas Boulevard
  • Sinabi niyang naaawa siya dahil sa kasalukuyang estado ng karera ni Mark Herras
  • Iniulat na nagkaroon ng P500 door charge ang espesyal na pagtatanghal ni Mark sa Apollo Male Entertainment
  • Hinimok ni Lolit si Mark na tanungin ang sarili kung tama pa bang gawin ang ganoong klaseng trabaho

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng reaksyon ang beteranong showbiz columnist na si Lolit Solis kaugnay ng balitang nag-perform kamakailan ang dating talent niya na si Mark Herras sa isang gay bar.

Lolit Solis, naawa raw kay Mark Herras sa pag-perform sa gay bar: "Parang lowest na ‘yon"
Lolit Solis, naawa raw kay Mark Herras sa pag-perform sa gay bar: "Parang lowest na ‘yon"
Source: Instagram

Sa ulat ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, inamin ni Lolit na nakaramdam siya ng awa para kay Mark dahil sa kasalukuyang estado nito sa showbiz.

“Syempre naawa. Imagine mo, ‘yung status niya, para sa ganu'n, parang hindi ko naman sa inaano ‘yung mga nagpe-perform sa mga gay bar,"

Dagdag pa ni Lolit, dapat tanungin ni Mark ang sarili kung tama ang ginagawa niya sa kasalukuyan.

Read also

Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Huwag n nga ‘yung anak. Lagi naman natin ginagawang panangga ‘yung mga anak, parang sila lagi ang dahilan. Ikaw mismo sa sarili mo, dapat ba mag-perform na sa ganu'n? ‘Di ba parang ganu'n?" aniya.

"Ikaw mismo, tanong mo sa sarili mo, tama ba na at this point, mag-perform ka na sa ganu'n? ‘Di ba? Parang, parang lowest ano na ‘yun na gagawin mo para sa trabaho.”

Samantala, iniulat ni columnist Gorgy Rula na nag-perform si Mark sa Apollo Male Entertainment sa Roxas Boulevard. Ayon pa sa ulat, ipinaskil ng bar ang door charge na P500 para sa bawat customer sa espesyal na pagtatanghal ni Mark.

Bagama’t hindi direktang binatikos ni Lolit ang desisyon ni Mark, malinaw na ipinarating niya ang kanyang pagkadismaya at panghihinayang sa estado ng karera nito.

Si Lolit Solis ay isang kilalang showbiz columnist, talent manager, at television personality sa Pilipinas. Siya ay tanyag dahil sa kanyang matapang at prangkang pagsusulat at pagsasalita tungkol sa mga artista at isyung pang-showbiz. Naging bahagi siya ng iba’t ibang programa sa telebisyon, kabilang ang mga talk show na tumatalakay sa mga balitang may kinalaman sa mga sikat na personalidad sa industriya.

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

Nagbigay ng kaniyang opinyon si Lolit Solis tungkol sa mga usap-usapang naghiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos, at ibinahagi rin ang ilan sa mga detalye tungkol sa aktor-host.

May nakakaaliw na kwento si Lolit na ibinahagi niya kamakailan tungkol sa umano’y pagsnob sa kanya ni Kobe Paras dahil kay Kyline Alcantara. Ayon sa beteranang kolumnista, natatawa pa rin siya tuwing naaalala niya ang insidenteng ito, na nagpapakita ng matinding proteksyon ni Kobe sa kanyang nobya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate