Catriona Gray, napa-comment sa post ni Sam Milby tungkol sa pagkaka-aksidente ng kapatid nya
- Nagpasalamat si Sam Milby matapos maligtas ang kanyang kapatid na si Ada sa aksidente
- Hindi nabalian si Ada ngunit nagkaroon ng malalaking pasa at sugat matapos ang insidente
- Nagbigay ng suporta si Catriona Gray at nanawagan para sa mas ligtas na mga sasakyan
- Nanawagan si Sam Milby para sa mas mahigpit na maintenance ng mga lumang truck sa kalsada
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pasasalamat ang aktor na si Sam Milby matapos maligtas ang kanyang kapatid na si Ada sa isang malubhang aksidente sa motorsiklo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sam ang mga detalye ng insidente, kabilang ang video ng aksidente, at tinawag itong isang "milagro."
Ayon kay Sam, bagamat nagdulot ng malalaking pasa at sugat ang aksidente, masaya siyang hindi nabalian ng buto ang kanyang kapatid. Nagbigay rin siya ng saloobin tungkol sa kaligtasan ng mga sasakyan, partikular sa mga lumang truck na madalas masangkot sa aksidente. “Nawalan daw ng preno ‘yung truck... Sana may magawa para masigurong regular ang checkups at maintenance,” aniya.
Nagbigay ng suporta si Catriona Gray, na napa-komento sa post ni Sam. Aniya, “Thank God you’re safe and recovering, Ada,” at hinimok niya ang mga kumpanya ng transportasyon na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga sasakyan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bilang sagot, nagpasalamat si Sam kay Catriona at muling binigyang-diin ang kahalagahan ng accountability upang maiwasan ang mga ganitong trahedya. Isa itong paalala sa kahalagahan ng wastong maintenance ng mga sasakyan sa kalsada.
Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe.
Inalmahan ni Catriona Gray ang isang Faceboook page na nag-post tungkol sa kanya . Marami ang nawindang sa nilagay na pangalan sa naturang post dahil nakalagay ang apelyidong Milby sa pangalan niya. Nilinaw ni Catriona na Gray ang kanyang apelyido at hindi pa siya ikinakasal kay Sam. Pinabulaanan niya rin ang balitang kasali umano siya sa pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
Samantala, ibinida ni Catriona ang kanyang closet sa ikalawang bahagi ng kanyang Casa de Gray home tour. Pinaliwanag ni Catriona na kaya nakalabas halos lahat ng kanyang mga gamit dahil sa posibilidad na makalimutan niya at hindi na magamit ang mga ito. Pinakita niya rin na marami sa kanyang mga gamit ay gawang lokal at aniya ay nahilig siya sa mga ito. Para naman sa mga viewers niya ay nakakahanga si Catriona dahil kahit hindi na siya ang reigning Miss Universe ay tuloy ito sa pagtangkilik ng produktong Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh