Paolo Contis, hindi naniniwalang dapat maging magkaibigan ang mag-ex

Paolo Contis, hindi naniniwalang dapat maging magkaibigan ang mag-ex

  • Tinalakay ni Paolo Contis sa Your Honor ang tanong kung puwede bang maging magkaibigan ang mga dating magkarelasyon
  • Sinabi niyang hindi siya naniniwala na dapat maging magkaibigan ang mag-ex maliban kung may sapat na dahilan
  • Binanggit niya na mahalaga ang respeto sa kasalukuyang partner at maaaring nakakailang kung magkaibigan ang ex at partner
  • Nagbigay si Paolo ng halimbawa ng pagiging civil ngunit binigyang-diin na iba ito sa pagiging magkaibigan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Paolo Contis, May Saloobin Tungkol sa Pakikipagkaibigan sa mga Ex: “Hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging kaibigan”

Paolo Contis, hindi naniniwalang dapat maging magkaibigan ang mag-ex
Paolo Contis, hindi naniniwalang dapat maging magkaibigan ang mag-ex
Source: Youtube

Mainit na tinalakay sa unang session ng Your Honor para sa 2025 ang tanong na, “Puwede bang maging magkaibigan ang mag-ex?” Sa programang pinangungunahan nina Tuesday Vargas bilang Madam Chair at Buboy Villar bilang Second Honor, naging resource person ang versatile Sparkle actor na si Paolo Contis noong Sabado, Enero 4.

Diretsahan at walang paligoy-ligoy na sinagot ni Paolo ang tanong tungkol sa pagiging magkaibigan ng dating magkarelasyon. Ayon sa kanya, “Hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging kaibigan. Unless, you actually have reasons to be.”

Read also

The Voice USA' champ Sofronio Vazquez, nakabalik na sa Pilipinas

Sa diskusyon, ibinahagi ni Paolo ang kanyang pananaw, “E naghiwalay na kayo e. I think it's your respect to your partner, especially 'yung partner mo. I mean nakakailang 'yun para sa partner mo. So, 'yung hindi kayo nagaaway okay 'yun. Yung civil kayo, like when you see each other, 'Uy! Hey! How are you? Blah blah.' Pero friends? Like kumustahan ganiyan you had your time na magkumustuhan, bakit ngayon magkukumustahan kayo.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Huling naging girlfriend ni Paolo si Yen Santos at meron siyang anak sa mga dating partner na sina Lian Paz at LJ Reyes. Anak ni Paolo kina Lian sina Xalene at Xonia, habang si Summer Ayana naman ang anak niya kay LJ Reyes.

Nagbigay naman ng reaksyon si Tuesday Vargas, na nagsabing, “Parang ang hirap i-detach nung emotion 'yung dating kayo sa current na kayo.” Sinang-ayunan ito ni Paolo at idinagdag na, “Especially kung may partner ka nakakahiya. And I believe, ako, hindi mo rin gusto 'yun, kung 'yung partner mo ganun.”

Read also

Ilang BINI members, emosyonal nang i-surpresa sila ni Vice Ganda

Umani ng iba’t ibang opinyon mula sa netizens ang pahayag ng aktor, na kinilala ng ilan bilang totoo at makatuwiran, habang may iba namang tumutol sa kanyang pananaw.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate