'Atechona' comment ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

'Atechona' comment ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

  • Pinangalanan ni BJ Pascual si Kristine Hermosa bilang "worst celebrity to shoot" noon ngunit binawi ito sa podcast ni Killa Kush
  • Binanggit ni BJ si Denise Julia bilang bagong "worst experience" dahil sa biglaang kanselasyon ng shoot ng kampo nito
  • Dumating si Sarah Lahbati bilang "rescue" sa photoshoot matapos ang aberya at pumayag siyang hatiin ang bayad kay BJ Pascual
  • Hati ang reaksyon ng netizens sa isyu, habang nananatiling tahimik si Kristine Hermosa tungkol dito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan sa social media ang pahayag ng kilalang celebrity photographer na si BJ Pascual tungkol sa karanasan niya sa pag-shoot ng mga artista, partikular sina Kristine Hermosa at Denise Julia. Sa podcast ni Killa Kush noong Biyernes, Disyembre 20, 2024, inamin ni BJ na si Kristine Hermosa ang "pinakamasamang celebrity na na-shoot" niya noon, ngunit nilinaw niyang nagbago na ito ngayon.

'Atechona' comment ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia
'Atechona' comment ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia
Source: Youtube

"Kristine Hermosa is an angel now," ani BJ, kasunod ng pagbanggit kay Denise Julia bilang bagong "worst experience" niya. Ayon kay BJ, kinansela ng team ni Denise ang nakatakdang photoshoot para sa cover ng bagong album nito nang walang pasabi, at tumanggi pa umanong bayaran ang gastos sa kanselasyon.

Read also

Barbie Forteza, ibinida ang napundar na family home: ‘B Casa is now ours’

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng aberya, dumating si Sarah Lahbati bilang "rescue" matapos hikayatin ni BJ na ituloy ang shoot. Pumayag si Sarah na hatiin ang bayad kay BJ para lamang maisakatuparan ang proyekto. Hindi rin umano humingi ng paumanhin ang kampo ni Denise Julia para sa aberya.

Samantala, binalikan ng netizens ang YouTube video ni BJ kung saan ikinuwento niya ang naging karanasan niya kay Kristine Hermosa noong 2009 para sa isang lifestyle magazine. Bagamat hindi nahuli si Kristine sa call time, nagtagal umano ang shoot dahil sa personal na mga hiling nito, tulad ng pagpili ng outfit at pagpapamasahe.

Sa social media, hati ang reaksyon ng netizens. May mga nagsabing hindi patas ang paghusga kay Kristine, habang ang iba ay nagbigay suporta kay BJ dahil sa pagiging bukas nito sa mga karanasan niya bilang photographer. Hanggang ngayon, nananatiling tahimik si Kristine Hermosa tungkol sa isyu.

Si Kristine Hermosa ay isa sa pinakakilalang aktres sa Pilipinas, lalo na noong dekada 2000. Kilala siya sa kanyang kagandahan at natatanging husay sa pag-arte, na nagbigay sa kanya ng taguring "goddess" ng showbiz industry.

Read also

Ice Seguerra, humanga lalo kay Gary Valenciano dahil sa dedikasyon nito

Kamakailan lamang ay isinilang ni Kristine Hermosa ang ikaanim na anak nila ni Oyo Boy Sotto. Ibinahagi ng celebrity mom sa social media ang opisyal na pagpapakilala sa kanilang bagong silang na anak na lalaki sa publiko.

Naglaan pa ng maikli ngunit taos-pusong mensahe sina Kristine at Oyo Boy upang pasalamatan si Dina sa pagiging naroroon para sa kanila. Bisita na rin sila ng kanilang pamilya at mga kaibigan, kabilang na si Dina Bonnevie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate