Barbie Forteza, ibinida ang napundar na family home: ‘B Casa is now ours’
- Ibinahagi ni Barbie Forteza ang opisyal na pagkakamit ng kanilang bagong tahanan na tinawag na “B Casa”
- Masaya niyang ibinahagi ang milestone sa social media kasama ang mga larawan ng kanyang pamilya
- Binati siya ng kanyang nobyong si Jak Roberto at ilang celebrity friends para sa kanyang tagumpay
- Pinuri ni Barbie ang hirap at sakripisyo sa likod ng kanilang bagong tahanan at nagpapasalamat sa biyaya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Opisyal nang pagmamay-ari ng pamilya ni Barbie Forteza ang kanilang bagong tahanan na tinawag nilang “B Casa.” Masayang inanunsyo ng aktres ang milestone na ito sa pamamagitan ng isang post sa social media, kalakip ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya habang nag-toast malapit sa kanilang Christmas tree.
“After just one year, B Casa is now officially ours. Signed and sealed with blood, sweat, and a whole lotta tears. It was not an easy journey, but it was all worth it. Grateful for everything,” saad ni Forteza sa kanyang post.
Binaha ng pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga ang komento ng aktres, kabilang na ang kanyang nobyong si Jak Roberto na nagsabing, “Congrats, mahal ko! Witness ako dyan! I’m so proud of you!!!” Nagpaabot din ng pagbati ang ilang celebrity friends tulad nina Kris Bernal, Kate Valdez, Glaiza de Castro, at Rocco Nacino.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Happy for you!! Enjoy the holidays in your new home,” ani ni Kris Bernal. Sa kabila ng hindi madali at puno ng sakripisyong paglalakbay patungo sa pagkakamit ng bahay, nananatiling lubos na nagpapasalamat si Barbie sa tagumpay na ito.
Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.
Sa nauna niyang vlog, hindi inatrasan ni Barbie ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows.
Hindi pinagkaila ni Barbie na masaya siya sa kanyang love life sa kasalukuyan. Ito ang kanyang naging tugon sa tanong sa kanya ni Bea Alonzo kung masaya siya sa kasalukuyan niyang relationship.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh