Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024
- Proud na ibinahagi ni Kiray Celis ang kanyang mga naipundar na paupahan at investments ngayong 2024
- Pinapahalagahan niya ang matalinong pag-iimpok at paggastos upang maabot ang kanyang mga layunin
- Naglaan siya ng oras para mag-reward sa sarili sa pamamagitan ng pagbiyahe sa ibang bansa
- Ipinagdiwang nila ng kanyang nobyo na si Stephan Estopia ang kanilang ika-5th anniversary na puno ng pagmamahalan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bago matapos ang taong 2024, buong pagmamalaking ibinahagi ng actress-comedienne na si Kiray Celis ang ilan sa kanyang mga tagumpay ngayong taon. Pinakamalaking "flex" ni Kiray ngayong taon ay ang kanyang mga naipundar na ari-arian, partikular ang kanyang mga paupahan.
“2024 is all about smart saving and smart spending para sa akin,” ani Kiray sa isang Instagram post na naglalaman ng mga larawan ng kanyang pinapaupahan.
Dagdag pa niya, “Nag-ipon ako para sa mga paupahan and learned the importance ng choosing the right people and prioritizing needs over wants.”
Bukod sa kanyang mga investments, hindi rin nagpahuli si Kiray sa pagtupad ng kanyang travel goals.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Pero siyempre, after all the hustle, nirereward ko lang ang sarili ko. [emojis] May konting byahe, tour o pahinga sa ibang bansa!” aniya, na sinamahan ng mga larawan mula sa kanyang mga biyahe.
Hindi lamang sa karera at personal na layunin swerte si Kiray, kundi pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig.
Kamakailan, ipinagdiwang nila ng kanyang nobyo na si Stephan Estopia ang kanilang ika-5th anniversary. Ibinahagi ng aktres ang isang nakakakilig na litrato nilang magkasama na may kasamang matamis na mensahe.
“Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sakin at sa pamilya ko. Sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko, sa pagsuporta sa lahat ng gusto ko. Sa pagdadrive sakin sa lahat ng work ko. Sa lahat ng toyo ko, sa mga pagiinarte, pagmamaldita at pagsusuplada ko sayo. LAHAT LAHAT…wala nakong mahihiling pa kasi nasakin ka na,” saad ni Kiray.
Dagdag pa niya, “Mahal na mahal kita!”
Matatandaang nitong taon ay magkasama nilang binisita ang Japan at Hong Kong, patunay ng matibay nilang pagsasama.
Sa lahat ng aspeto ng buhay, maituturing na matagumpay ang taong 2024 para kay Kiray Celis—isang taon ng ipon, pasyal, at pagmamahal.
Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".
Matatandaang binahagi ni Kiray sa kanyang Facebook page ang kanyang sintimeyento kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz. Aniya, sana ay intindihin din ng publiko na minsan may mga dinadalang suliranin ang mga artista na hindi nila alam. Kasunod ito ng kanyang pahayag kaugnay sa umano'y pag-request kay Jovit Baldivino na kumanta ito sa kabila ng pagbabawal ng doktor. Ito ang huling performance ni Jovit bago siya nanghina at isinugod sa ospital kung saan na-comatose siya ng ilang araw hanggang tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.
Samatala, kamakailan ay ibinida ni Kiray ang papuri sa kanya ni Marian Rivera sa kanyang picture sa social media. Sa kanyang post ay naka-tag si Senyora na pabiro niya pang tinawag na Pulgoso at aniya ay huwag na itong lumaban. Sagot naman ni Senyora, talaga raw palang mahilig sa aso si Marian at binahagi pa ang picture ni Marian noong gumanap siyang bilang si Marimar at kasama ang aso nito. Hindi na ito bago sa kanilang dalawa dahil kadalasan ay kinaaliwan ng netizens ang kanilang birong bangayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh