Kris Lawrence, ibinida ang kanyang stage performance kasama ang anak na si Katie

Kris Lawrence, ibinida ang kanyang stage performance kasama ang anak na si Katie

- Ipinamalas ni Kris Lawrence ang kanyang pagmamalaki sa unang stage performance kasama ang anak na si Katie

- Masaya niyang ibinahagi ang karanasan kung saan biglang sumampa si Katie sa stage kahit hindi pa niya turn

- Ang event ay inorganisa ng Kidz Groove, Globaltronics, The PARC Foundation, at pinangunahan ni Princess Ryan

- Bumuhos ang suporta mula sa fans at netizens na natuwa sa nakakatuwang bonding ng mag-ama

Ibinahagi ng singer-songwriter na si Kris Lawrence ang masayang sandali kasama ang kanyang anak na si Katie sa kanilang kauna-unahang stage performance. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang kanilang bonding moment habang nagpe-perform sa isang event na itinanghal ng Kidz Groove, Globaltronics, at The PARC Foundation sa tulong ni Princess Ryan.

Kris Lawrence, ibinida ang kanyang stage performance kasama ang anak na si Katie
Kris Lawrence, ibinida ang kanyang stage performance kasama ang anak na si Katie
Source: Instagram

"My first time on stage with Katie! She's so funny - walking out on stage when it's not her turn! Hahaha she loves the spotlight na. You did so well baby, Papa is so proud of you. I love you so much!" ani Kris sa kanyang post.

Read also

Candy Pangilinan, emosyonal na pinasalamatan ang lahat ng tumulong sa paghahanap kay Quentin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinatuwa ng mang-aawit ang pagiging natural ni Katie sa spotlight, kahit pa’t hindi pa oras ng kanyang performance. Makikita rin sa kanyang mga salita ang pagmamalaki at pagmamahal sa anak na tila sumusunod na sa yapak niya bilang performer.

Bumuhos naman ang suporta at pagbati mula sa mga fans at netizens na nasiyahan sa nakakatuwang kwento ng mag-ama. Ayon pa sa ilan, kitang-kita ang pagiging proud dad ni Kris kay Katie, at umaasa ang mga tagasuporta na mas marami pang pagkakataon ang mag-ama na magtanghal nang magkasama.

Samantala, nagpasalamat din si Kris sa lahat ng naging bahagi ng event, kabilang ang mga organisasyon at kay Princess Ryan, na tumulong para maisakatuparan ang proyekto. Isa itong makabuluhang hakbang upang maipamalas ang talento ng mga kabataan tulad ni Katie.

Si Katie ay anak ni Kris sa aktres na si Katrina Halili. Siya ay nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.

Read also

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.

Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate