Maris, kaya di pa noon mai-public ni Anthony ang breakup: "Sila pa pala this whole entire time"

Maris, kaya di pa noon mai-public ni Anthony ang breakup: "Sila pa pala this whole entire time"

- Naglabas na ng pahayag si Maris Racal sa isyung namamagitan sa kanila ni Anthony Jennings

- Isa sa nilinaw ni Maris ay ang pag-aakala niyang hiwalay na rin noon pa sina Anthony at ngayo'y ex-girlfriend na niyang si Jam Villanueva

- Paulit-ulit din umanong tinatanong ni Maris si Anthony kung kailan nga ba nito kukumpirmahin sa publiko na hiwalay na sila ng nobya

- Nalaman na lamang niya umano na kaya pala hindi maisapubliko ni Anthony ay dahil sila pa noon ni Jam

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Emosyonal na humarap sa press si Maris Racal nang maglabas na ito ng pahayag sa ipinupukol sa kanyang isyu na may kaugnayan sa ka-love team na si Anthony Jennings.

Maris, kaya di pa noon mai-public ni Anthony ang breakup: "Sila pa pala this whole entire time"
Maris, kaya di pa noon mai-public ni Anthony ang breakup: "Sila pa pala this whole entire time" (ABS-CBN News)
Source: Youtube

Ani Maris, "single" ang inakala niyang status ni Anthony na hindi nalalayo sa panahon na siya naman ay nakipaghiwalay kay Rico Blanco.

Dahil sa hindi inaasahan nilang koneksyon sa isa't isa, makailang ulit umano niyang tinanong si Anthony kung kailan nito isasapubliko ang breakup sa kasintahan noong si Jam Villanueva.

Read also

Glam team ni Maris Racal, nag-post kasunod ng nilabas na pahayag ng aktres

"Many times I beg for his statement, I beg him to fix things. He said wait he’s waiting for the right moment," ani Maris.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang mabasa ang mga screenshots ng priivate message nila ni Anthony na isiniwalat ng ex nitong si Jam, doon niya umano naunawaan ang lahat.

"Upon reading those screenshots [niJam], doon ko napagtagpi-tagpi lahat. Na kaya pala hindi siya makapag-release ng statement, dahil sila pa pala this whole entire time. I didn’t know, I was in the dark,"naluluhang nasabi ng aktres.

"'Dun ko na realized bakit ganun ang reaction ni Jam? Now I get her. I get her pain, I get her anger. Kaya pala ganun cause she was clueless about anything. I was clueless about anything… That’s my side of my story.”

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN News YouTube:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Tumagal din ng halos limang taon ang relasyon nila ng sikat na musician na si Rico Blanco.

Read also

Ian Veneracion, natanong tungkol sa reaksyon niya sa isyu nina Anthony at Maris

Samantala, nakilala ang tambalan nilang 'MaThon' ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang 'Can't Buy Me Love'

Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.

Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng And the breadwinner is si Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu. Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng Incognito na ipalalabas sa Enero 2025.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica