Maris Racal, nagsalita na sa gitna ng kontrobersiya: "I am so embarrassed"
- Nagsalita na si Maris Racal kaugnay ng mga akusasyon ng ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva
- Ito ay matapos na isiwalat ni Jam ang 'di umano'y palitan ng text nina Anthony at Maris
- Makalipas lamang ang ilang araw, naglabas ng saloobin si Maris sa pamamagitan ng isang press conference
- Kasalukuyang marami ang nakalinyang proyekto kina Maris at Anthony tulad ng 'And the breadwinner is' at ang seryeng Incognito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita na ang Kapamilya actress na si Maris Racal kaugnay sa inilabas na kontrobersyal na palitan nila ng private message di umano ng co-actor na si Anthony Jennings.
Matatandaang matapos ang kumpirmasyon ni Anthony na hiwalay na sila ng dating nobya na si Jam Villanueva, hindi nagtagal ay nilabas ni Jam ang kanyang saloobin gayundin ang di umano'y naging mitsa ng kanilang hiwalayan ni Anthony.
Sa video mula sa press con na inilabas ng ABS-CBN News, umiiyak na naglabas ng saloobin si Maris tungkol sa isyu.
"I don’t know where to go. Whenever I go out whenever I walk I feel like a woman nakd. Hindi ko alam ano gagawin ko. I'm so embarrassed."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.
Samantala, nakilala ang tambalan nilang 'MaThon' ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang 'Can't Buy Me Love'
Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.
Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng And the breadwinner is si Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu. Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng Incognito na ipalalabas sa Enero 2025.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh