Maris Racal, sinabing umamin kay Rico Blanco noon bago maghiwalay: "I came clean right away"

Maris Racal, sinabing umamin kay Rico Blanco noon bago maghiwalay: "I came clean right away"

- Naglabas na ng pahayag si Maris Racal sa kontrobersiyang kinaharap kamakailan

- Isa sa mga nabanggit niya ay ang tungkol sa pag-amin niya sa ex-boyfriend na si Rico Blanco ukol sa mga nangyayari noon

- Matatandaang Hunyo ng kasalukuyang taon sila naghiwalay ni Rico

- Sinabi rin ni Maris na inakala niyang hiwalay na rin noon pa lang si Anthony sa ngayo'y ex-girlfriend nitong si Jam Villanueva

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagsalita na si Maris Racal ukol sa kontrobersyal na private messages na umano'y isinapubliko ng ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva.

Maris Racal, sinabing umamin kay Rico Blanco noon bago maghiwalay: "I came clean right away"
Maris Racal, sinabing umamin kay Rico Blanco noon bago maghiwalay: "I came clean right away" (Rico Blanco)
Source: Facebook

Sa press con na ibinahagi ng ABS-CBN News, kasama sa detalyeng binigay ni Maris ay ang pag-amin niya mismo kay Rico ng mga hindi inaasahang ganap nila ng ka-love team sa 'Can't buy me love' na si Anthony.

"It all started last June of 2024. I was in a very dark place. I was lonely," panimula ni Maris.

Read also

Maris Racal na nagbigay komento sa "na-fall dahil sa sobrang lungkot", binalikan ng netizens

"When I sensed that there is a growing attraction between Anthony and I, nadala ako sa emotions ko. And I knew that was wrong. I came clean right away."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I told my ex everything. And I admitted things to him. And then we broke up."

Inamin niyang hindi ganoon kadali ang pagsasapubliko ng hiwalayan nila ni Rico "Because I'm holding back the truth. 'Yun ang totoo"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Samantala, nakilala ang tambalan nilang 'MaThon' ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang 'Can't Buy Me Love'

Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.

Read also

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng And the breadwinner is si Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu. Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng Incognito na ipalalabas sa Enero 2025.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica