Angel Locsin, trending sa X kasunod ng paglabas ng ABS-CBN Christmas ID 2024

Angel Locsin, trending sa X kasunod ng paglabas ng ABS-CBN Christmas ID 2024

- Hindi nakita si Angel Locsin sa ABS-CBN Christmas ID 2024 na inilunsad noong Disyembre 2

- Nag-trending ang pangalan ng aktres sa X habang inaasam ng mga netizen ang kanyang pagbabalik

- Nilinaw ni Dimples Romana na maayos at masaya pa rin ang pagsasama nina Locsin at Neil Arce

- Patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga si Locsin at umaasa silang magbabalik ang aktres sa 2025

Patuloy na pinag-uusapan si Angel Locsin sa social media matapos mapansin ng kanyang mga tagahanga ang kawalan niya sa ABS-CBN Christmas ID 2024, na inilunsad noong Lunes, Disyembre 2.

Angel Locsin, trending sa X kasunod ng paglabas ng ABS-CBN Christmas ID 2024
Angel Locsin, trending sa X kasunod ng paglabas ng ABS-CBN Christmas ID 2024
Source: Instagram

Maraming netizen, lalo na ang mga masugid na tagahanga ng aktres, ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pag-asa na muling makita si Locsin, na higit dalawang taon nang wala sa limelight.

"Akala ko may appearance si Angel Locsin sa #ABSCBNChristmasID2024," ani ng isang netizen. Isa pang fan ang nagsabi, "Inabangan ko talaga si Angel Locsin kagabi kahit manlang sulyap.. hoping and praying na may comeback siya sa 2025 kahit judge lang."

Read also

Jericho Rosales at Janine Gutierrez, sweet na sweet sa kanilang food trip sa Japan

Sa ngayon, trending topic sa X (dating Twitter) ang pangalan ng aktres, na patunay ng patuloy na pagmamahal at suporta ng mga tao sa kanya. "Angel Locsin when ka ba babalik? Miss ka na ng lahat," saad ng isa pang tagahanga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang naunang panayam, itinanggi ng malapit na kaibigan ni Locsin na si Dimples Romana ang mga espekulasyong hiwalay na ang aktres at ang asawa nitong si Neil Arce. Ayon kay Romana, masaya ang dalawa sa kanilang pagsasama, at mahusay na nag-aalaga si Arce kay Locsin.

Si Angel Locsin, na isa sa mga pinakamaningning na bituin ng ABS-CBN, ay kilala rin bilang isa sa mga personalidad na matapang na nagpakita ng suporta para sa kanyang home network matapos ang pagsasara ng iba pang broadcast platforms nito dahil sa utos ng gobyerno.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Zephanie, tumilapon nang gawin ang 'Superman' TikTok trend

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate