Neri Naig, pabalik na muli sa Pasay City jail; pre-trial, nalipat

Neri Naig, pabalik na muli sa Pasay City jail; pre-trial, nalipat

- Nalipat sa ibang petsa ang arraignment at pre-trial ng aktres at businesswoman na si Neri Naig-Miranda

- Inaasahan din ang kanyang pagbabalik sa Pasay city jail bukas, Disyembre 04

- Matatandaang Nobyembre 23 nang arestuhin umano si Neri kaignay sa reklamong may kaugnayan sa Dermacare

- Samantala, maging ang isa pang aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto ay inaasahang susuko na at makapagpiyansa na may kinalaman din umano sa kompanyang ineendorso ni Neri

Hindi natuloy ngayong Disyembre 03 ang sana'y arraignment at pre-trial sa aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda.

Neri Naig, pabalik na muli sa Pasay City jail; pre-trial, nalipat
Neri Naig, pabalik na muli sa Pasay City jail; pre-trial, nalipat (Neri Naig Miranda0
Source: Facebook

Sa ulat ni Gary De Leon ng News 5, sinabing wala pa umanong reaksyon ang piskalya sa apela ng kampo ni Neri.

"Hindi raw nakapagbigay ng komento ang piskal para sa motion to quash na inihain ng kampo ni Neri. Dahil dito, nagbigay na lamang ng sampung araw na extension ang korte at ire-reschedule ang arraignment at pre-trial niya"

Read also

Rufa Mae Quinto, binahagi ang statement na nilabas ng kanyang abogado

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inaasahan naman ang pagbabalik ni Neri sa Pasay City jail matapos ang limang araw na medical furlough sa kanya.

"Hindi na dumalo ang legal counsel ng dalawang complainant ni Neri habang nananatili naman siya sa ospital matapos bigyan ng limang araw na medical furlough o pansamantalang paglaya para makapagpaggamot"

Samantala, inaabangan din ng RTC branch 111 ang sinasabing kusang pagsuko ni Rufa Mae Quinto na umano'y kabilang sa mga inireklamo sa may kaugnayan umano sa Dermacare.

"Bukas babalik na sa Pasay city jail si Neri. Samantala, inaantay naman ng RTC branch 111 ng kusang pagsuko ng artista at komedyante na si Rufa Mae Quinto para makapaglagak ng piyansa. Para umano ito sa mga paglabag niya sa Securities and Regulations code na may kinalaman sa kompanyang ineendorso ni Neri."

Sinasabing hindi tulad ni Neri, maaring makauwi agad si Rufa Mae matapos nitong magpiyansa.

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Read also

Rufa Mae Quinto, may mga warrant of arrests ayon kay Boy Abunda

Samantala sa pinakahuling post ni Neri, binati pa nito ang panganay na anak nila ni Chito na nagdiwang ng kaarawan nito isang araw bago ang petsa ng sinasabing pagkaaresto 'di umano sa kanya.

Matatandaang unang naiulat ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang balita na inaresto umano si Neri na makalipas lamang ng ilang araw ay kinumpirma na rin ng pulisya. Naglabas na rin ng pahayag ang mister nitong si Chito Miranda ukol sa sitwasyon ng kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: