Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni 'B'

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni 'B'

- Sinagot ni Gerald Anderson ang tanong kung ayos na daw ba sila ni B

- Ito ay nangyari nang maging guest siya sa 'Men's Room' sa One PH

- Ani Gerald sa kanyang side ay ayos naman na daw siya at sa tingin niya ay okay naman dahil parehas naman na silang masaya

- Hindi naman na pinangalanan ni Gerald ang mga ex niyang siya ang nakipag-break

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang panayam sa Men's Room sa One PH, tinalakay ni Gerald Anderson ang tanong na kung ayos na ba sila ng kanyang rumored ex na tinatawag na "B." Ayon kay Gerald, sa kanyang panig ay okay na siya at pareho silang masaya.

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni 'B'
Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni 'B' (One PH/The Men's Room | YouTube)
Source: Youtube

Sinabi niyang wala naman siyang problema at sa tingin niya ay parehas nilang natutunan ang mga mahahalagang bagay mula sa kanilang mga nakaraan. Bagamat hindi pinangalanan ni Gerald ang mga dating kasintahan, inamin niyang siya ang unang nakipag-break sa mga ito.

Read also

Zeinab, itinuring na blessing ang anak na si Lucas sa kabila ng pagkawala noon ng kanyang ate Tara

Nagbigay din ng pahayag si Gerald tungkol sa social media at mga relasyon. Ayon sa kanya, hindi siya nag-unfollow ng mga ex-partners at hindi rin niya binubura ang mga larawan nila sa social media.

Para kay Gerald, itinuturing niyang magaganda ang mga alaala niya sa mga ex, at may respeto siya sa kanilang mga naging relasyon. Binanggit niya na para sa kanya, mahalaga pa rin ang mga magagandang memorya, kaya’t hindi niya ito isinasantabi. Sa kabila ng lahat, ipinakita ni Gerald ang kanyang maturity at pagkakaroon ng positibong pananaw tungkol sa mga nakaraan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Ivana Alawi, pinasilip ang pinatayong bahay sa pamamagitan ng isang house tour

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: