Ai-ai Delas Alas, pinakita ang pag-workout sa gitna ng pinagdadaanan: "Lumalaban!"
- Binahagi ni Ai-ai Delas Alas ang video kung saan makikitang nag-eehersisyo siya sa gym
- Sa naturang video ay nabanggit niya ang salitang 'lumalaban' na para sa kanyang mga followers ay nagpapakita ng katatagan niya
- Matatandaang kamakailan lang nang aminin niyang hiwalay na sila ng asawang si Gerald Sibayan
- Pinasalamatan naman niya ang isang babaeng nagngangalang Karen na aniya ay nagpaabot sa kanya ng dasal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Ai-ai Delas Alas ang isang video kung saan makikitang todo-kayod siya sa pag-eehersisyo sa gym, patunay ng kanyang pagpupursige sa kabila ng personal na mga hamon. Sa video, nabanggit ni Ai-ai ang salitang "lumalaban" na para sa kanyang mga tagasubaybay ay simbolo ng kanyang katatagan at lakas ng loob.
Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Ai-ai ang paghihiwalay nila ng asawang si Gerald Sibayan, dahilan upang umani siya ng suporta mula sa kanyang fans.
Pinasalamatan din niya ang isang babaeng nagngangalang Karen na nag-abot ng panalangin sa kanya habang nasa gym. Aniya, "Anytime Fitness, kaloka sakit hita ko gym gyman... Tapos may isang beautiful lady na nagbigay ng prayers sa akin sa gym. Her name is Karen... sana mabasa niya ito. Super thank you and God bless your husband and your kids kung meron man."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umani ng positibong komento ang naturang post ni Ai-ai mula sa kanyang mga followers, na humanga sa kanyang pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok.
Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.
Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon.
Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh