Kathleen Hermosa, nagsalita tungkol sa post niya tungkol sa Labubu craze

Kathleen Hermosa, nagsalita tungkol sa post niya tungkol sa Labubu craze

- Minabuti ni Kathleen Hermosa na sagutin ang mga natanggap niyang komento patungkol sa ni-repost niya patungkol sa Labubu craze

- Nilinaw niyang hindi niya pinipilit ngunit gusto lamang niyang ibahagi ang kanyang pananaw kaugnay sa kinahihiligan ng marami sa kasalukuyan

- Napukaw umano ang kanyang pansin kaya nag-research siya kung saan galing ang Labubu

- Aniya nang makita niya sa post ng creator ng Labubu ang isang picture ay hindi na daw niya tiningnan ang iba pang post dahil iyon pa lang daw ay kumbinsido na siyang hindi iyon maganda para sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Minabuti ng aktres na si Kathleen Hermosa na sagutin ang mga komento ng netizens matapos niyang i-repost ang post ng isang digital creator tungkol sa Labubu craze, isang kinahuhumalingang koleksiyon ng mga figurine. Nilinaw ni Kathleen na hindi niya layong manakot o pilitin ang sinuman, kundi nais lang niyang ibahagi ang kanyang pananaw sa usaping ito na kasalukuyang popular sa mga kolektor.

Read also

Antonette Gail, umalma sa mga bashers ng kanyang pananamit

Kathleen Hermosa, nagsalita tungkol sa post niya tungkol sa Labubu craze
Kathleen Hermosa, nagsalita tungkol sa post niya tungkol sa Labubu craze
Source: Facebook

Ayon kay Kathleen, napukaw ang kanyang pansin sa Labubu kaya nag-research siya tungkol dito. Sinabi niya na nang makita niya ang isang larawan mula sa post ng creator ng Labubu, hindi na raw niya pinanood ang iba pang content dahil sapat na iyon para kumbinsihin siyang hindi ito bagay para sa kanya. Dagdag pa ng aktres, ipinagdasal niya ang bagay na ito at inilahad ang kanyang hangarin sa kanyang ikalawang buhay na i-glorify ang pangalan ng Panginoon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa gitna ng mga komento at reaksyon, isa-isa niyang sinagot ang mga tanong ng mga tagasubaybay at nagbahagi pa ng Bible verse mula sa 1st Peter 5:8 bilang gabay. Alam din niya ang posibilidad na siya’y ma-cancel dahil sa kanyang ginagawa ngunit buo ang kanyang paninindigan na magbigay lamang ng paalala.

Read also

Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan

Ang Labubu ay isang laruan na may tainga na parang sa kuneho at may ngiti na nagpapakita ng hilera ng matatalim na ngipin. Siya ay kabilang sa isang tribo ng mga Nordic elf na tinatawag na Monsters.

Sumikat ang Labubu noong Abril nang mag-post si Lisa, miyembro ng sikat na K-pop girl group na Blackpink, ng isang video sa Instagram na yakap-yakap ang malaking plush doll ni Labubu. Lalong napaigting ang kasikatan ng Labubu sa paglagay ni Lisa ng maliliit na Labubu pendants bilang palamuti sa kanyang mga handbag.

Si Michelle Kathleen Hermosa Orille-Santos o mas kilala bilang si Kathleen Hermosa ay isang Pinay aktres. Siya ang nakakatandang kapatid ni Kristine Hermosa. Ikinasal siya sa kasalukuyang asawang si Miko Santos noong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Pinakita ni Kathleen sa kanyang vlog kamakailan ang pinagdaanan nilang mag-asawa matapos nila mapag-alamang buntis si Kathleen. Ikinagulat nila na triplets ang nasa sinapupunan niya dahil wala naman daw sa kanilang lahi.

Read also

Ellen Adarna, ibinida ang paghuhugas ni Elias ng milk bottle ng kanyang kapatid

Matatandaang ni-repost ni Kathleen ang post ng digital creator na Stuff Finds tungkol sa Labubu Dolls, na kinahuhumalingan ngayon ng maraming kolektor. Itinuturing ng ilan na mamahaling koleksyon ang Labubu Dolls, kaya't ang ibang hindi makabili ay napa-“sana all” na lang sa mga nagpo-post ng kanilang pag-a-unboxing.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: