Kathleen Hermosa, nagbigay ng paalala sa nahihilig sa Labubu: "Be vigilant Guys"

Kathleen Hermosa, nagbigay ng paalala sa nahihilig sa Labubu: "Be vigilant Guys"

- Ni-repost ng aktres na si Kathleen Hermosa ang isang post ng digital creator na Stuff Finds upang balaan ang publiko tungkol sa Labubu Dolls

- Ayon kay Stuff Finds, itinuturing umano ang Labubu Dolls bilang “The Devil’s Pet” at mga alaga ni Lucifer

- Mabilis na nag-trending ang post na ito at nakakuha ng maraming komento mula sa mga netizen na nagbahagi ng kanilang takot at opinyon

- Nagpaalala si Kathleen sa kanyang mga tagasubaybay na maging mapagmatyag sa mga bagay na kinokolekta

Ni-repost ni Kathleen Hermosa, aktres, ang post ng digital creator na Stuff Finds tungkol sa Labubu Dolls, na kinahuhumalingan ngayon ng maraming kolektor. Itinuturing ng ilan na mamahaling koleksyon ang Labubu Dolls, kaya't ang ibang hindi makabili ay napa-“sana all” na lang sa mga nagpo-post ng kanilang pag-a-unboxing.

Kathleen Hermosa, nagbigay ng paalala sa nahihilig sa Labubu: "Be vigilant Guys"
Kathleen Hermosa, nagbigay ng paalala sa nahihilig sa Labubu: "Be vigilant Guys"
Source: Facebook

Nagbigay ng babala ang digital creator na si Stuff Finds sa kanyang post, kung saan sinabi niyang ang Labubu Dolls ay hindi dapat tinatangkilik dahil ito raw ay “the Devil’s Pet.” Sang-ayon si Kathleen Hermosa sa mensaheng ito kaya niya ni-repost ang nasabing post at nagdagdag ng caption na nagpaalala sa kanyang mga tagasubaybay na maging mapagmatyag.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Ayon sa post ng digital creator, tinawag niya ang Labubu bilang “The Devil’s Pet” at ipinaliwanag na hindi lamang cute na koleksyon ang pag-aari ng mga Labubu Dolls, kundi pagtitipon ng mga alagang halimaw mula sa kabilang mundo. Ipinunto rin niya na bawat Labubu na pagmamay-ari ng isang tao ay maaaring maglapit sa kanila sa impyerno.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ng digital creator, hindi lamang mga figurine o laruan ang mga Labubu, kundi mga alaga umano ni Lucifer na nagpapakain sa mga kaluluwa ng mga nawawala. Binalaan pa niya ang mga kolektor na maaaring makaakit ng mas madilim na pwersa ang patuloy na pagdami ng mga Labubu Dolls.

Ang Labubu ay isang laruan na may tainga na parang sa kuneho at may ngiti na nagpapakita ng hilera ng matatalim na ngipin. Siya ay kabilang sa isang tribo ng mga Nordic elf na tinatawag na Monsters.

Read also

Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”

Sumikat ang Labubu noong Abril nang mag-post si Lisa, miyembro ng sikat na K-pop girl group na Blackpink, ng isang video sa Instagram na yakap-yakap ang malaking plush doll ni Labubu. Lalong napaigting ang kasikatan ng Labubu sa paglagay ni Lisa ng maliliit na Labubu pendants bilang palamuti sa kanyang mga handbag.

Si Michelle Kathleen Hermosa Orille-Santos o mas kilala bilang si Kathleen Hermosa ay isang Pinay aktres. Siya ang nakakatandang kapatid ni Kristine Hermosa. Ikinasal siya sa kasalukuyang asawang si Miko Santos noong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Matatandaang ibinida ni Oyo Boy Sotto ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa sa isang Instagram post. Sa kanyang post, binahagi niya ang ilang picture ng kanyang maybahay kalakip ang caption na "so gorgeous.' Marami sa mga netizens at showbiz personality ang sumang-ayon kay Oyo pagdating sa pagpuri nito sa kagandahan ng asawa. May mga kinilig din sa ginawang ito ni Oyo na hindi naman na bago dahil madalas niyang binabahagi ang kanyang paghanga kay Kristine.

Read also

Rendon Labador, nagkomento sa picture ni Diwata na may kagat na tuyo

Samantala, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Kristine para sa kanilang ina sa kaarawan nito. Pinasalamata niya ito sa lahat ng naituro nito sa kanilang magkapatid at sa pagtaguyod sa kanila. Ayon pa kay Kristine malaki ang impluwensiya ng kanyang ina sa kanyang buhay. Samantala, naiyak naman umano ang kapatid niyang si Kathleen sa mensaheng ito ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate