Kathleen Hermosa, binahagi ang kanyang pregnancy journey

Kathleen Hermosa, binahagi ang kanyang pregnancy journey

- Ibinahagi ni Kathleen Hermosa sa kanyang vlog ang naging pregnancy journey nila

- Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang reaksiyon nilang mag-asawa nang makita ang positive pregnancy test result

- Napag-alaman pa nila na triplets ang pinagbubuntis ng nakakatandang kapatid ni Kristine Hermosa

- Gayunpaman, hindi rin ito natuloy dahil sa naging blighted ovum ang kanyang pinagbubuntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Kathleen Hermosa sa kanyang vlog ang pinagdaanan nilang mag-asawa matapos nila mapag-alamang buntis si Kathleen. Ikinagulat nila na triplets ang nasa sinapupunan niya dahil wala naman daw sa kanilang lahi.

Kathleen Hermosa, binahagi ang kanyang pregnancy journey
Kathleen Hermosa, binahagi ang kanyang pregnancy journey
Source: Instagram

Gayunpaman, napalitan ang kanilang pagbubunyi at pagsasaya nang mapag-alaman nilang hindi matutuloy ang pagbubuntis ni Kathleen dahil blighted ovum ang kanyang pinagbubuntis.

Sa kanilang pighati ay todo-suporta ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Hindi man natuloy ang pagbubuntis ay nagpasalamat pa rin si Kathleen dahil aniya ay darating ang panahon na maiintindihan niya din kung bakit ito nangyari. Naniniwala din sila na inihahanda sila ng Panginoon sa pagiging magulang.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Bumuhos naman ang mensahe ng suporta para kay Kathleen at sa asawa nito sa gitna ng kanilang pinagdadaanan:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Praying that you’ll get what you’re praying for in God’s perfect time.
Praying for your healing Ms. Kath. I'm also praying and wishing to conceive and patiently waiting
Pakatatag ka po... maraming nagmamahal sa nyo isa na ako dun.

Si Michelle Kathleen Hermosa Orille-Santos o mas kilala bilang si Kathleen Hermosa ay isang Pinay aktres. Siya ang nakakatandang kapatid ni Kristine Hermosa. Ikinasal siya sa kasalukuyang asawang si Miko Santos noong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Matatandaang ibinida ni Oyo Boy Sotto ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa sa isang Instagram post. Sa kanyang post, binahagi niya ang ilang picture ng kanyang maybahay kalakip ang caption na "so gorgeous.' Marami sa mga netizens at showbiz personality ang sumang-ayon kay Oyo pagdating sa pagpuri nito sa kagandahan ng asawa. May mga kinilig din sa ginawang ito ni Oyo na hindi naman na bago dahil madalas niyang binabahagi ang kanyang paghanga kay Kristine.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Samantala, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Kristine para sa kanilang ina sa kaarawan nito. Pinasalamata niya ito sa lahat ng naituro nito sa kanilang magkapatid at sa pagtaguyod sa kanila. Ayon pa kay Kristine malaki ang impluwensiya ng kanyang ina sa kanyang buhay. Samantala, naiyak naman umano ang kapatid niyang si Kathleen sa mensaheng ito ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel