Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"

Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"

- Nagpahayag si Claudine Barretto ng suporta kay Rita Daniela sa gitna ng pinagdadaanan nitong isyu ng pambabastos

- Sinabi ni Claudine na naka-relate siya sa sitwasyon ni Rita dahil minsan na rin siyang naging biktima

- Binahagi ni Claudine ang screenshot ng video call nila ni Rita bilang pagpapakita ng kanyang malasakit

- Kamakailan ay nagsampa ng reklamo si Rita laban sa co-actor na si Archie Alemania dahil sa umano’y hindi magandang karanasan nito

Nagpahayag ng suporta ang aktres na si Claudine Barretto para kay Rita Daniela sa gitna ng pinagdadaanan nito. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Claudine ang screenshot ng kanilang pag-uusap sa video call, kung saan binigyang-diin niya ang kanyang malasakit at pagkakaugnay sa sitwasyon ni Rita.

Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"
Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"
Source: Instagram

Ayon kay Claudine, “.not my business but i have daughters. i will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO! Rita u are strong & loved.” Ipinakita ng aktres ang kanyang pagiging protective lalo na’t may mga anak siyang babae, at na siya mismo ay nakaranas din ng ganitong sitwasyon noon.

Read also

Claudine Barretto sa nangbastos kay Rita Daniela: "Ako harapin mo!"

Sa comment section ng post, isang follower ang nagtanong kung sino ang naging sanhi ng hindi magandang karanasan ni Claudine sa nakaraan. Sagot niya, "someday soon sweetheart I'll will tell my truth. can we all just luv & protect & be compassionate towards each other 🙏thank you.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan ay nagsampa ng reklamo si Rita Daniela laban sa kanyang co-actor sa isang serye na si Archie Alemania dahil sa umano'y pangbabastos sa kanya. Sa mga pangyayaring ito, lalo pang napalapit ang loob ni Claudine kay Rita dahil sa magkatulad nilang pinagdaanan, at nagnanais siya ng pagmamahal at pagkalinga para sa lahat ng nasa ganitong sitwasyon.

Si Rita Daniel ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres, at host sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang karera matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion ng QTV's PopStar Kids at mas nakilala pa siya sa kanyang pagganap bilang Aubrey Palomares sa “My Special Tatay.”

Read also

Maggie Wilson, may binahaging quote tungkol sa 'katotohanan'

Sa isang naunang ulat ng KAMI, ang anak ni Rita na si Uno ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Kasabay ng kanyang kaarawan noong Disyembre 22, si Baby Uno ay nagkaroon ng Christian dedication. Noong Enero 4, nag-post si Rita sa social media ng mga magagandang larawan mula sa nasabing selebrasyon. Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikitang masaya si Uno sa kanyang “PAW Patrol”-themed na party.

Sa isa pang panayam kay Rita ni Boy Abunda, tinanong siya tungkol kay Julie Anne San Jose. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Boy kung nagseselos ba si Rita kay Julie Anne. Agad na sinagot ng celebrity mom, “Wala po, Tito Boy.” Matatandaang magkasama ang dalawang singer sa ‘Pop Star Kids,’ kung saan si Rita ang tinanghal na grand champion, habang si Julie Anne naman ay kabilang sa mga naging finalist.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate