Ogie Diaz kay PBB big winner na si Fyang sa showbiz: "I think she can make it"

Ogie Diaz kay PBB big winner na si Fyang sa showbiz: "I think she can make it"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa PBB Gen 11 big winner na si Fyang Smith

- Ito ay matapos siyang matanong ni Mama Loi tungkol kay Fyang bilang si Ogie ay isang talent manager

- Nagbigay reaksyon din ito sa posibleng love team ni Fyang at JM na malakas ang suporta ng fans kahit tapos na ang PBB

- Binati rin ni Ogie di Fyang bilang big winner at nakikita niya umano ang potensyal nito sa showbiz

Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalakay umano sa Ogie Diaz Showbiz Update ang Pinoy Big Brother Gen 11 na natapos noong Oktubre 27.

Ogie Diaz kay PBB Big Winner Fyang sa showbiz: "I think she can make it"
Ogie Diaz kay PBB Big Winner Fyang sa showbiz: "I think she can make it" (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Ito ay matapos na mapansin ng mga tagasubaybay ni Ogie sa nasabing YouTube channel na tila hindi nila napapag-usapan ang tungkol sa PBB.

Matapos na ma-congratulate ni Ogie si Fyang na tinanghal na big winner, nausisa ni Mama Loi, ang co-host ni Ogie kung ano ang masasabi nito kay Fyang bilang papasok na rin umano ito sa showbiz.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang muntik umanong maging big winner si Kolette

"Ano siya e, may karakter siya e. Feeling ko naman she can make it. Pwedeng mag-artista yang si Fyang"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Ogie, artistahin umano ang mukha ni Fyang at kamangha-mangha rin ang dami ng supporters nito.

Kaabang-abang umano ang susunod na mangyayari sa showbiz career ni Fyang gayundin ni JM.

"Lalo na kung may clamor, may demand. At kung meron nang hukbong sandatahang lakas na tagahanga. Why not 'di ba?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. Sa unang season nito, 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Read also

PBB Rain, kinagiliwan nang magpa-picture sa Mama ni Fyang: "Madam Inutz"

Isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang na PBB Gen 11 ay nang makilala na ni Kai ang kanyang tunay na ina. Masasabing hinangaan siya ng marami dahil sa ipinakita nitong reaksyon nang tuluyan na niyang makasama at makilala ang kanyang biological mother. Marami ang naluha umano sa episode na ito dahil na rin sa kabutihang puso na ipinakita ni Kai sa kanyang ina.

Si Kai ay napabilang sa big 4 kung saan siya'y tinanghal bilang 4th big placer. Si Kolette naman ang nakasungkit ng titulong 3rd big placer habang si Rain naman ang pumangalawa sa big winner na si Fyang Smith.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica