Pamangkin ni Rico Yan, nagpasalamat sa fans na patuloy na sumusuporta at dumadalaw
- Nagpasalamat si Alfy Tueres, pamangkin ni Rico Yan, sa mga tagahanga na patuloy na dumadalaw sa puntod ng kanyang tiyuhin
- Sinabi ni Alfy na labis ang kanilang pasasalamat sa suporta ng publiko sa kabila ng paglipas ng mga taon
- Pinaalalahanan ni Alfy na marami pa rin ang umaalala kay Rico, lalo na tuwing kaarawan nito at sa Undas
- Ibinahagi ni Alfy sa panayam ng News 5 ang kanyang mga damdamin habang siya ay nasa himlayan ni Rico
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng paglipas ng mga taon, nananatiling buhay sa alaala ng mga Pilipino ang dating aktor na si Rico Yan. Sa isang panayam ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Alfy Tueres, pamangkin ni Rico, sa mga tagahanga ng aktor na patuloy na nagpapakita ng suporta at pagmamahal.
Sa isang panayam na ibinahagi ng News 5, makikita si Alfy na bumisita sa himlayan ni Rico, kung saan nagpasalamat siya sa patuloy na pagdalaw ng mga tagasuporta.
Ayon kay Alfy, malaking bagay para sa kanilang pamilya ang hindi matatawarang pag-alala ng publiko kay Rico, na pumanaw noong 2002 sa edad na 27. Sa kabila ng pagpanaw nito mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas, patuloy pa rin ang mga fans na dumadalaw sa puntod ni Rico, lalo na tuwing kaarawan nito, anibersaryo ng kanyang pagpanaw, at sa paggunita ng Undas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Rico Yan (Ricardo Carlos Castro Yan) ay isang kilalang Filipino actor, model, at host. Ipinanganak noong March 14, 1975, sa Manila, Pilipinas. Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, pumanaw si Rico Yan noong March 29, 2002, sa edad na 27, dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ang kanyang maagang pagyao ay nagdulot ng kalungkutan sa kanyang mga tagahanga at sa industriya ng showbiz.
Binahagi ni Claudine Barretto ang picture ng isang cake para sa paggunita ng kaarawan ni Rico Yan. Kalakip ito ng kanyang pagbati sa namayapang aktor na naging karelasyon niya noon.
Minabuti ni Claudine na ilabas ang kanyang panig matapos ang maraming taon na na-bash siya matapos ang pagpanaw ni Rico Yan. Kinumpirma niya ang bali-balitang nasa Subic sila ni Raymart Santiago noong March 29, 2002 habang nasa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa si Rico.
Source: KAMI.com.gh