Claudine Barretto, kinumpirmang nasa Subic din si Raymart Santiago nung araw na pumanaw si Rico Yan

Claudine Barretto, kinumpirmang nasa Subic din si Raymart Santiago nung araw na pumanaw si Rico Yan

- Minabuti ni Claudine Barretto na ilabas ang kanyang panig matapos ang maraming taon na na-bash siya matapos ang pagpanaw ni Rico Yan

- Kinumpirma niya ang bali-balitang nasa Subic sila ni Raymart Santiago noong March 29, 2002 habang nasa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa si Rico

- Gayunpaman, nilinaw ni Claudine na kasama niya ang pamilya niya sa Subic at naroon naman si Raymart dahil sa isang golf tournament

- Nag-dinner daw ang pamilya Barretto at Pamilya Santiago na malapit naman daw talaga kahit noon pa

Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Claudine Barretto, matapos ang maraming taon ng kontrobersiya ay kinumpirma ni Claudine Barretto ang ilang lumabas na balita.

Claudine Barretto, kinumpirmang nasa Subic din si Raymart Santiago nung araw na pumanaw si Rico Yan
Claudine Barretto, kinumpirmang nasa Subic din si Raymart Santiago nung araw na pumanaw si Rico Yan
Source: Youtube

Kinumpirma niyang kasama niya si Raymart Santiago sa Subic noong araw na pumanaw si Rico Yan. Ngunit aniya ay kasama niya ang pamilya niya at gayundin naman si Raymart.

Read also

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

Matapos ang matagal na panahon ng pagiging biktima ng bashers pagdating sa pagpanaw ni Rico Yan noong March 29, 2002, nagpasya si Claudine na maglabas ng kanyang panig sa nangyari. Kinumpirma niya na sila ni Raymart ay nasa Subic noong panahong iyon, subalit may paglilinaw din siya na hindi sila magkarelasyon noon.

Ayon kay Claudine, kasama niya ang kanyang pamilya sa Subic at naroon din si Raymart dahil sa isang golf tournament. Inihayag din niya na malapit talaga ang pamilya nila at ni Raymart. Nag-dinner daw ang kanilang mga pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Claudine, kaya niya ito nilabas ngayon ay dahil hindi na raw niya maibabahagi sa fans ang tungkol sa kanila ni Rico dahil ayaw niyang nababasa ng mga anak niya ang masasamang sinasabi sa kanila ni Raymart.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Read also

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel