Rachel Carrasco, ibinahagi ang setup nila ni Victor Consunji at mga anak nila
- Binahagi ni Rachel Carrasco ang ilang detalye ng kanilang setup bilang pamilya kasama ang anak nila at ni Victor Cosunji at anak nitong si Connor Consunji
- Aniya, magkasama silang nag-trick or treat at palagi daw silang magkasama lalo at malayo ang gap nila
- Sa Singapore nakatira sina Rachel at ang anak niya na papasok na raw sa prep school doon
- Si Connor naman ay kasama ng kanyang ama dito sa Pilipinas at priority daw ni Victor ang anak niya
- Dagdag pa ni Rachel, maganda din na meron silang oras na hindi magkasama ni Victor at hindi palaging magkasama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Rachel Carrasco ang ilang detalye ukol sa kanilang family setup kasama si Victor Consunji, ang kanilang anak, at ang anak ni Victor na si Connor Consunji mula kay beauty queen Maggie Wilson sa panayam na binahagi ng ABS-CBN News.
Ayon kay Rachel, bagama’t may distansya sa pagitan ng mga bata, sinisikap nilang magkasama tuwing may espesyal na okasyon. Kamakailan, nagkasama umano silang mag-trick or treat, at binibigyang-pansin nila ang mga ganitong aktibidad upang mapalapit ang bawat isa.
Sa kasalukuyan, nakabase si Rachel at ang kanyang anak sa Singapore, kung saan papasok na raw ito sa prep school. Samantala, si Connor ay naninirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang amang si Victor, na inuuna ang kapakanan ng anak.
Ayon pa kay Rachel, nakatutulong ang kanilang kasalukuyang setup na may mga pagkakataong hindi sila laging magkasama ni Victor.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ginawaran si Rachel ng parangal na "Award for Women of Purpose and Power" sa Rising Tiger’s Ball bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa sa larangan ng negosyo at paglilingkod sa komunidad.
Ang dating asawa ni Victor Consunji na si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal sila ni Victor at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.
Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.
Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh