Sofia 'Fyang' Smith, nag-react sa comment ng netizen tungkol sa kaniyang mommy

Sofia 'Fyang' Smith, nag-react sa comment ng netizen tungkol sa kaniyang mommy

- Sinagot ni Pinoy Big Brother: Gen 11 Winner na si Sofia 'Fyang' Smith ang komento sa isang TikTok video na binahagi niya

- Makikita sa video na binahagi ni Fiang na kasama niyang sumasayaw ang kanyang mommy

- Isang netizen ang nagkomento at nagsabing ang ganda daw ni 'Madam Inutz'

- Sagot naman ni Fiang, 'mamy' niya ang kanyang kasama sa naturang video

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang simpleng TikTok video ni Sofia 'Fyang' Smith, ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Winner, ang naging usap-usapan kamakailan matapos sagutin ni Fyang ang komento ng isang netizen. Sa video na binahagi ni Fyang, makikita siyang masayang sumasayaw kasama ang kanyang mommy.

Sofia 'Fyang' Smith, nag-react sa comment ng netizen tungkol sa kaniyang mommy
Sofia 'Fyang' Smith, nag-react sa comment ng netizen tungkol sa kaniyang mommy
Source: TikTok

Isang netizen ang nagkomento at nagtanong kung si 'Madam Inutz' ang kasama ni Fyang, na agad naman niyang sinagot sa pagsasabing 'mamy' niya ang kanyang ka-dance sa naturang video.

Read also

Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Fyang, na kinilala bilang "amakabogerang influencer ng Mandaluyong" sa loob ng 14 na linggo sa PBB house, ay minahal ng mga fans dahil sa kanyang masayahin at palaban na personalidad.

Kasama niyang nagtapos sa all-women top four sina Rain Celmar bilang 2nd big placer, Kolette Madelo bilang 3rd big placer, at Kai Manitola bilang 4th big placer. Lahat ng big placers ay nakatanggap ng roundtrip travel package papuntang South Korea at tatlong buwang LazAffiliates ambassador contract na nagkakahalaga ng P400,000.

Ilan sa mga dahilan ng tagumpay ni Fyang ay ang kanyang pagiging matapang at direkta sa pakikisalamuha, na minsang nagdulot ng bangayan sa kapwa housemates, lalo na sa mga unang linggo. Sa kabila ng pitong nominasyon para sa eviction, napatunayan ni Fyang ang kanyang tibay at naging isa sa mga pinaka-hinahangaang big winners sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother.

Read also

Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti

Ang Pinoy Big Brother: Gen 11 ay ang ikalabing-isang regular na season ng sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother (PBB) sa Pilipinas. Katulad ng mga naunang season, nagtatampok ito ng iba't ibang housemates mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may iba’t ibang personalidad, layunin, at kwento ng buhay.

Matatandaang iInutusan ni Kuya ang mga housemates ng Pinoy Big Brother na "lumikas" agad mula sa bahay. Nangyari ito sa episode ng PBB Gen 11 noong Setyembre 30. Agad na lumabas ng bahay ang mga natitirang housemates na sina Binsoy, JP, Fyang, Kolette, Rain, Kai, at JM. Samantala, tahimik lamang na nagmamasid ang mga House Challengers sa loob ng PBB House.

Nag-post si Jas Scales ng isang TikTok video habang sumasayaw sa kantang "Breaking News" ni Flowerovlove. Kahit na nagkamali siya at nakaligtaan ang isang bahagi ng sayaw, naging viral pa rin ang kanyang video. Sa kasalukuyan, umabot na sa 6.8 milyon ang views ng kanyang TikTok dance video. Nilagyan pa niya ng caption ang video, "Ay mali, uulitin ko 'to promise. Inlove with the song & dance!!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate