Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart

Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart

- Naglabas ng patunay ang kampo ni Heart Evangelista kaugnay ng imbitasyon sa Victoria's Secret Fashion Show

- Hindi raw nakadalo si Heart sa event dahil sa dami ng kanyang commitments

- Nagbahagi ng screenshots ang kampo ni Heart bilang sagot sa mga akusasyon na hindi siya naimbita

- Si Heart ang daw unang kinontak ng VS bilang pangunahing bisita at para sa pagbubukas ng isang flagship store

Matapos ang lumutang na mga balita ukol sa umano’y tensyon sa pagitan nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach, muling naging mainit ang usapin nang maungkat ang pangalan ni Heart kaugnay ng imbitasyon sa paparating na Victoria’s Secret Fashion Show.

Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart
Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, inihayag ni Heart na hindi siya makakadalo sa VS fashion show dahil puno ang kanyang iskedyul sa mga darating na araw.

Ilang araw matapos ang naturang post, naging usap-usapan sa social media ang kampo ni Pia. Naglabas si Pia ng video na nagsisilbing kumpirmasyon ng kanyang pagdalo sa VS fashion show. Sinundan ito ng komento mula kay @whenapino, isang netizen na nagsabing may “isang tao” na hindi pupunta sa event dahil hindi umano ito “imbayted.” Dagdag pa niya, hinamon niya ang mga followers na humingi ng “resibo” upang patunayan ang kanyang sinasabi.

Read also

Carmina Villaroel, 'adopted son' ang tawag kay Andre Paras

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasunod nito, nagbigay ng komento si Justin Soriano, dating makeup artist ni Heart at kasalukuyang kasama sa glam team ni Pia, at sinabing “Your source said it 100% correctly.”

Bilang tugon sa mga patutsada, naglabas ang kampo ni Heart ng screenshots sa IG story ni @resztyrose, na nagpapakita ng isang pag-uusap. Sa mensahe, nakasaad na unang kinontak si Heart upang maging isa sa mga piling panauhin sa VS fashion show. Dahil sa puno niyang iskedyul, hindi niya kayang dumalo sa naturang event.

Hindi maikakailang mainit ang sagutan mula sa magkabilang kampo, ngunit sa kabila nito, parehong kinikilala bilang mga reyna sa kani-kanilang larangan sina Heart at Pia.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Read also

Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate