Carmina Villaroel, 'adopted son' ang tawag kay Andre Paras

Carmina Villaroel, 'adopted son' ang tawag kay Andre Paras

- Sa finale press conference ng Abot-Kamay na Pangarap, tinawag ni Carmina Villarroel na “adopted son” si Andre Paras na gumanap bilang doktor sa serye

- Emosyonal na ipinaabot ni Carmina ang kanyang pasasalamat sa buong cast at sinabi niyang mami-miss niya ang mga ito

- Ayon kay Carmina, naging biruan na nila ni Andre ang kanilang malapit na samahan at itinuturing na niyang parte ng pamilya ang aktor

- Nabanggit din niya na bukas siya kung sakaling nais ni Kobe Paras na maging bahagi ng kanilang pamilya dahil sa kanyang pagmamahal sa malaking pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa finale press conference ng matagumpay na medical drama na Abot-Kamay na Pangarap, emosyonal na ibinahagi ni Carmina Villarroel ang kanyang pasasalamat sa buong cast at production team. Partikular na tinukoy niya si Andre Paras, na itinuturing niyang “adopted son” dahil sa kanilang malapit na samahan sa loob ng dalawang taong pagbuo ng serye. Ayon kay Carmina, naging biruan na nila ang pagiging “parte ng pamilya” ni Andre dahil magkahawig umano ito sa kanyang anak na si Maverick Legaspi.

Read also

Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”

Carmina Villaroel, 'adopted son' ang tawag kay Andre Paras
Carmina Villaroel, 'adopted son' ang tawag kay Andre Paras (@mina_villarroel, @honeyescarez | Instagram)
Source: Instagram

Nang tanungin ng press kung bakit adopted son ang tawag niya kay Andre, ipinaliwanag ni Carmina na matagal na silang close at naging natural na ang kanilang biruan sa pagiging “family.” Siniguro naman ni Carmina na bukas siya kung sakaling gustuhin din ni Kobe Paras, kapatid ni Andre at kasalukuyang nobyo ni Kyline Alcantara, na maging parte ng kanilang pamilya. Aniya, “The more, the merrier. Kasi gusto ko talaga ng malaking family,” na ikinatuwa ng mga nakapaligid.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

(1:02:24-1:02:32)

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Lolit Solis, natutuwa sa pagiging protective ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate