UE Manila, naglabas ng pahayag kaugnay sa mga reaksiyon sa suot na school uniform ni Awra Briguela

UE Manila, naglabas ng pahayag kaugnay sa mga reaksiyon sa suot na school uniform ni Awra Briguela

- Naglabas ng pahayag ang UE Manila kaugnay sa mga reaksiyon sa pagsusuot ni Awra Briguela ng uniporme na nagdulot ng kontrobersiya

- Tiniyak ng UE na ang lahat ay may karapatang mag-aral sa isang ligtas at inklusibong kapaligiran, anuman ang kanilang pagkakakilanlan

- Binanggit ng UE na pinapayagan ang mga estudyanteng magsuot ng uniporme na nais nila basta’t may pahintulot mula sa Student Affairs Office

- Ipinahayag ng UE ang kanilang dedikasyon sa paglikha ng mas ligtas na kapaligiran at pag-aangat ng paggalang at kabaitan sa kanilang komunidad

Naglabas ng pahayag ang University of the East (UE) Manila kaugnay sa mga reaksiyon sa social media tungkol sa pagsusuot ni Awra Briguela ng uniporme, na nagdulot ng kontrobersiya. Sa kanilang pahayag, itinaguyod ng UE ang kanilang paninindigan laban sa diskriminasyon batay sa kasarian at tiniyak na ang lahat ay may karapatang mag-aral sa isang ligtas at inklusibong kapaligiran.

Read also

Willie Revillame, nanawagan ng dasal sa mga manonood ng #WilToWin

UE Manila, naglabas ng pahayag kaugnay sa mga reaksiyon sa suot na school uniform ni Awra Briguela
UE Manila, naglabas ng pahayag kaugnay sa mga reaksiyon sa suot na school uniform ni Awra Briguela
Source: Instagram

Binanggit nila na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ay iginagalang at pinapayagan ang mga estudyanteng magsuot ng uniporme na naayon sa kanilang kagustuhan basta’t ito ay may pahintulot mula sa Student Affairs Office (SAO). Sa kabila ng mga negatibong komento na nagmula sa ilan, binigyang-diin ng UE na hindi maaring maging dahilan ang kakulangan sa kaalaman upang ipagtanggol ang mga mapanlait na pahayag na umaatake sa pagkatao, pagkakakilanlan, o sariling pagpapahayag ng iba.

Pinatibay ng University Student Council at ng iba pang grupo ng estudyante ang kanilang dedikasyon sa paglikha ng mas ligtas at mas inklusibong kapaligiran para sa lahat ng estudyante.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Kylie Padilla, nagbahagi ng opinyon nya tungkol sa katangian ng isang 'good leader'

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate