Raquel Pempengco, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa magulang

Raquel Pempengco, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa magulang

- Nagbahagi si Raquel Pempengco ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang at utang na loob ng anak sa magulang

- Binanggit niya na kahit gaano ka pa kasikat, may kulang sa buhay kung hindi kaagapay ang mga magulang

- Ayon kay Raquel, ang asawa o jowa ay maaaring mawala, ngunit ang mga magulang ay laging nariyan para sa kanilang anak

- Ipinahayag din niya ang panghihinayang sa pagbabagong kinaharap ni Jake Zyrus, ngunit nananatiling umaasa para sa talento ng kanyang anak

Si Raquel Pempengco, ina ng singer na si Jake Zyrus, ay nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa isyu ng pasasalamat at paggalang sa magulang. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Raquel ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga magulang, lalo na ang mga ina, na ayon sa kanya, ay may malalim na epekto sa kaligayahan at tagumpay ng isang tao.

Read also

Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

Raquel Pempengco, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa magulang
Raquel Pempengco, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa magulang
Source: Instagram

Ayon kay Raquel, kahit gaano pa kasikat o matagumpay ang isang anak, kung hindi kaagapay ang mga magulang, parang may kakulangan pa rin sa buhay. Aniya, bagamat hindi obligasyon ng mga anak na alagaan ang kanilang mga magulang, ang kulturang Pilipino ay nagtataglay ng konsepto ng “utang na loob” na hindi madaling takasan. "Kapag ang INA ang pinaiyak mo at itinakwil, walang magandang patutunguhan ang buhay mo," dagdag pa ni Raquel.

Ipinunto rin ni Raquel na habang maaaring magpalit o mawala ang mga partner o asawa, ang mga magulang ay nananatiling nariyan para sa kanilang mga anak. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos, partikular sa paggalang sa magulang, na itinutulad niya sa paggalang sa Panginoon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Raquel ang kanyang mga saloobin sa social media tungkol sa pagbabagong kinaharap ng kanyang anak. Sa isang throwback video mula sa 2005 ABS-CBN competition na “Little Big Star,” ipinahayag niya ang panghihinayang sa hindi pagkapanalo ni Charice, na siyang simula ng tagumpay sa international scene kasama ang mga sikat na personalidad gaya ni Celine Dion. Sa kabila ng mga pagbabago, nananatili pa rin ang kanyang pag-asa para sa talento ng kanyang anak, na ayon sa kanya, "It's not too late... while there's life, there's hope."

Read also

Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa mga handaan

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon.

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate