Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'

- Binahagi ni Crisha Uy sa isang post sa Threads ang karanasan nang makitang muli ang kanyang 'past'

- Isang netizen ang nagtanong kung may masama sa past at sinagot naman ito ni Crisha

- Sa isang sagot ng netizen sa kanyang post na ito, nabanggit niyang deadma na siya kahit tumabi at kinausap pa siya nito

- Isa namang netizen ang nagsabi na ito ang ayaw muna niyang ma experience at hindi daw niya alam paano siya mag-rereact sa ganoong kalagayan

- Sagot naman ni Crisha, nag-'French exit' siya kinalaunan

Binahagi ng content creator na si Crisha Uy sa isang post sa Threads ang di-inaasahang muling pagkikita sa kanyang dating kasintahan. Ayon kay Crisha, naki-table ang kanyang ex sa kanilang grupo, dahilan upang makaramdam siya ng hindi komportableng sitwasyon.

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table' (@crishauy | Instagram)
Source: Instagram

Isang netizen ang nagtanong kung may masama ba sa kanyang nakaraan, at prangkang sinagot ito ni Crisha na tila deadma na siya kahit pa tumabi at kinausap siya ng kanyang ex.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Source: Instagram

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Source: Instagram

Sa isang komento mula sa netizen, sinabi nitong ayaw pa niyang maranasan ang ganitong sitwasyon at hindi siya sigurado kung paano siya magre-react kung mangyari iyon. Agad namang sumagot si Crisha, ibinahagi niyang nag-'French exit' siya kinalaunan.

Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Crisha Uy, napa-French exit dahil sa ex niyang 'naki-table'
Source: Instagram

Si Crisha Uy ay isang modelo at YouTube Content creator. Naging karelasyon siya ng aktor na si Joem Bascon sa loob ng walong taon at naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay.

Matatandaang inilabas ni Crisha ang kanyang saloobin hinggil sa isyu tungkol sa kanyang ex-bf na si Joem Bascon. Nilinaw niyang naka-move on na siya mula sa paghihiwalay nila ngunit bumalik lang umano ang sakit. Napatunayan niya na pinagsinungalingan siya noon at tila sampal umano iyon sa kanyang mukha. Payo naman ni Crisha sa mga kagaya niya na dumaan sa ganoong sitwasyon, laging magtiwala sa Panginoon at huwag magmadali.

Read also

Stell, proud sa picture niya na ginagamit para i-bash siya: "Proud ako dun sa photo na yun"

Marami ang naintriga sa TikTok video na ibinahagi ni Crisha. Makikita kasi sa kanyang video ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Naging palaisipan tuloy sa mga netizens kung may namumuong pagtitinginan sa dalawa. Gayunapaman, sa kasalukuyan ay isinapubliko na ni JM ang kanyang karelasyon na isa ding content creator, si Donnalyn Bartolome.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate