Yam Concepcion, ibinida ang kanyang mother-in-law na may baby shower para sa kanila

Yam Concepcion, ibinida ang kanyang mother-in-law na may baby shower para sa kanila

- Ibinida ni Yam Concepcion ang sweet at thoughtful na baby shower na inihanda ng kanyang mother-in-law

- Nagpasalamat si Yam sa effort at handmade gifts na ipinadala mula sa iba't ibang lugar patungong New York

- Pinuri ni Yam ang suporta ng kanilang pamilya at mga kaibigan, kahit na mula pa sa malalayong lugar

- Ang event ay nagbigay-diin sa pagmamahal at suporta para kina Yam at Miguel bilang magulang

Masayang ibinahagi ng aktres na si Yam Concepcion ang ginawang baby shower ng kanyang mother-in-law para sa kanya at sa kanyang asawa, si Miguel Cuunjieng. Sa isang Instagram post, ipinaabot ni Yam ang kanyang labis na pasasalamat at pagkatuwa sa effort ng kanyang mother-in-law sa pagpaplano ng isang napakaespesyal na event para sa kanila.

Yam Concepcion, ibinida ang kanyang mother-in-law na may baby shower para sa kanila
Yam Concepcion, ibinida ang kanyang mother-in-law na may baby shower para sa kanila (@yamconcepcion | Instagram)
Source: Instagram

"Just when I thought my mom in law couldn’t get any more amazing, she throws the sweetest and most thoughtful baby shower for us," ani Yam sa kanyang caption. Ayon pa sa aktres, nakakataba ng puso ang mga handmade gifts at goodies na dinala mula pa sa iba't ibang lugar patungong New York, kung saan ginanap ang selebrasyon.

Read also

Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo

Pinuri rin ni Yam ang kanyang mga pamilya at kaibigan na dumalo, kahit pa galing sila sa malalayong lugar, at naging bahagi ng makabuluhang okasyon para sa kanilang mag-asawa. "Mig and I are grateful for all family and friends who made it special, no matter the distance," dagdag pa ng aktres.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang baby shower na ito ay nagbigay-diin sa matibay na suporta at pagmamahal ng pamilya sa bagong yugto ng buhay nina Yam at Miguel bilang mga magulang.

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Read also

Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas

Inalmahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate