Darryl Yap, may banat sa isyu nina Chloe at Sophia: "Ano ba gusto niya? Treasurer?"

Darryl Yap, may banat sa isyu nina Chloe at Sophia: "Ano ba gusto niya? Treasurer?"

- Sa gitna ng mainit na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at anak ni Ai-ai Delas Alas na si Sophia Delas Alas ay nagbahagi ng kanyang opinyon si Darryl Yap

- Hirit niya ay matapang din naman daw siya kaya dapat isali sdin siya

- Tanong pa niya, ano daw ba ang kinaoffend ni 'Goldie' sa sinabi niAi-ai na “Girlfriend ka pa lang”

- Matatandaang nagkomento ang anak ni Ai-ai na si Sophia kamakailan sa post ni Chloe at hinamon ito n i-publc ang post tungkol sa mama niya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nakisali ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

Chloe San Jose, nagmessage daw sa mag-inang Ai-ai at Sophia: "We'll see if they even reply"

Darryl Yap, may banat sa isyu nina Chloe at Sophia: "Ano ba gusto niya? Treasurer?"
Darryl Yap, may banat sa isyu nina Chloe at Sophia: "Ano ba gusto niya? Treasurer?"
Source: Facebook

Ang nasabing komento ni Yap ay naging usap-usapan matapos ang trending na sagutan nina Chloe at Sophia kamakailan. Matatandaang nagkomento si Sophia sa post ni Chloe at hinamon ito na gawing public ang post tungkol sa kanyang ina. Ito ay matapos kumalat ang video kung saan sinabi ni Ai-Ai Delas Alas kay Chloe, “Girlfriend ka pa lang.”

Sa gitna ng mainit na isyung ito, nagtanong si Darryl Yap kung ano ang ikinagalit ni 'Goldie'—isang bansag na pinaniniwalaang patungkol sa isang kilalang personalidad. Tanong pa niya, “Ano kayang kinaoffend ni Goldie sa sinabi ni Mama Ai na ‘Girlfriend ka pa lang’? Ano ba gusto niya? TREASURER?”

Mabilis namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang post ni Yap. Ang ilan ay sumang-ayon sa kanyang patutsada at tila natawa pa sa kanyang biro, habang ang iba naman ay nagsasabing tila nagiging personal na ang usapin. May ilan ding nagpahayag ng kanilang opinyon na dapat magpokus si Yap sa mga proyekto niya kaysa makisawsaw sa usapin ng ibang tao.

Read also

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, wala pang sagot mula kina Chloe San Jose, Sophia Delas Alas, at maging kay Ai-Ai Delas Alas hinggil sa naging pahayag ni Darryl Yap. Ngunit isang bagay ang sigurado—tila lalong uminit ang bangayan sa social media dahil sa mga maiinit na komento ng mga sangkot.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon. Ibinahagi din ni Ai-Ai ang litrato ng bahagi ng kanilang bahay na tadtad ng kinagigiliwan niyang Hello Kitty. Hindi maitago ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan sa ginawa ni Gerald para mapasaya lang siya.

Read also

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017. Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa. Matatandaang namalagi sa Amerika ang mag-asawa para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate