Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform

Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform

- Ibinida ni Jerika Ejercito ang picture ng anak niya at pamangkin niyang si Ellie Ejercito na nakasuot ng kanilang mga school uniform

- Marami naman ang sumang-ayon sa caption ni Jerika kung saan sinabi niyang twins daw si Ellie at ang anak niyang si Marta Eleanor dahil magkamukha daw ang magpinsan

- Agaw-pansin naman ang komento ng ama ni Ellie na kapatid ni Jericka-si Jake Ejercito

- Sinabihan nito si Ellie na ipakita ang kanyang ngipin dahil kahit namakingiti at hindi kita ang mga ngipin ni Ellie sa mga pictures na ito

Ibinahagi ni Jerika Ejercito ang larawan ng kanyang anak na si Marta Eleanor kasama ang pamangkin niyang si Ellie Ejercito, kung saan suot ng magpinsan ang kanilang mga school uniform. Maraming netizens ang sumang-ayon sa caption ni Jerika na nagsasabing parang kambal ang dalawa dahil sa kanilang pagkakahawig.

Read also

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform
Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform
Source: Facebook

Agaw-pansin naman ang komento ng ama ni Ellie, si Jake Ejercito, na kapatid ni Jerika. Sa kanyang komento, pabirong sinabi ni Jake kay Ellie na, “Show your teeth! @ellie_ejercito,” dahil napansin niyang kahit nakangiti si Ellie sa larawan, hindi kita ang kanyang mga ngipin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform
Jake Ejercito, nag-react sa picture ni Ellie na nakasuot ng school uniform
Source: Instagram

Maraming netizens ang natuwa sa komento ni Jake, na kilala sa kanyang pagiging hands-on na ama kay Ellie. Ang simpleng pakikipagkulitan ng pamilya Ejercito sa social media ay nagpakita ng kanilang matibay na ugnayan at pagmamahal sa isa’t isa.

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

AiAi delas Alas pinayuhan si Chloe San Jose na wag awayin ang nanay ni Carlos Yulo

Matatandaang binida ni Jake ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito. Sa kanyang post ay makikita ang nakakaaliw na pag-uusap nilang mag-ama kung saan ilang beses nilang nabanggit ang salitang 'haynaku'. Kaya naman, sa caption ng #JEllieConvos na ito ay nakalagay ang 'unli haynaku' - Muling kinaaliwan ang post na ito ni Jake na umani ng mga komento mula sa mga netizens.

Samantala, sinagot ni Jake ang isang netizen na nagkomento sa isang post ng GMA News patungkol sa kanya. Sa komento ng netizen na ito, sinabi niyang tahimik lang si Jake noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann. Sagot naman ni Jake, ang netizen na ito ay nagkokomento nang hindi inaalam ang katotohanan sa pangyayari at mali-mali pa ang spelling. Matatandaang naunang inakala ng publiko na si Albie ang ama ng anak ni Andi na kinalaunan ay napag-alamang anak ni Jak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate