Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

- Nagpost si Toni Fowler kasama ang kapatid ni Papi Galang na si Paye Galang

- Sa naturang past ay nakalagay ang caption na 'Apat na ulo' at umani ng mga komento ang post na ito ni Toni

- Kabilang si Lovi Poe sa nagkomento sa kanyang post at napakomento ito ng 'sana all'

- Matatandaang nagkasama sina Lovi at Toni sa seryeng Batang Quiapo kung saan gumanap sila bilang ang magkaibigang Mokang at Chicky

Naging usap-usapan sa social media ang isang post ni Toni Fowler na ibinahagi niya kamakailan. Sa larawan, kasama ni Toni ang kapatid ni Papi Galang na si Paye Galang, na agad na umani ng atensyon mula sa mga netizens. Ang caption ng post ay, “Apat na ulo,” na nagdulot ng samu't saring reaksyon mula sa mga followers ni Toni.

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler
Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler
Source: Instagram

Isa sa mga nagkomento ay ang aktres na si Lovi Poe, na napa-'sana all' sa naturang post. Maraming netizens ang natuwa sa kanyang komento, na agad naging viral at umani ng maraming likes.

Read also

Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler
Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nagkasama sina Lovi Poe at Toni Fowler sa sikat na seryeng Batang Quiapo, kung saan ginampanan nila ang mga karakter nina Mokang at Chicky. Ang kanilang pagkakaibigan on-screen ay tila naipagpatuloy rin sa totoong buhay, dahilan upang magbigay ng saya ang kanilang simpleng pakikipagkulitan sa social media.

Si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampanan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Read also

Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate