Lovi Poe, na-inspire nina Da King at Coco Martin sa pagiging producer ng sariling pelikula

Lovi Poe, na-inspire nina Da King at Coco Martin sa pagiging producer ng sariling pelikula

- Ibinahagi ni Lovi Poe na naimpluwensiyahan siya ng kanyang ama, Fernando Poe Jr., at ni Coco Martin sa pagiging producer

- Nakita ni Lovi mula sa kanyang ama ang paggawa ng sariling pelikula at ideya

- Ipinahayag din ni Lovi na natutunan niya ang hands-on na istilo ni Coco sa pag-arte, pagsulat, at pagdidirek

- Kasalukuyang ipinapalabas ang pelikula ni Lovi na Guilty Pleasure kung saan siya rin ang producer

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Inspires, inilahad ni "Supreme Actress" Lovi Poe kung paano siya naimpluwensiyahan ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., at ni Primetime King Coco Martin sa kanyang desisyon na maging producer. Ayon kay Lovi, nakita niya mula sa kanyang ama ang paggawa ng sarili nitong mga pelikula, isang aspeto ng kanyang karera na naging malaking inspirasyon sa kanya.

Read also

Alden at Kathryn, nakwento ang tungkol sa singsing na bigay ni Alden

Lovi Poe, na-inspire nina Da King at Coco Martin sa pagiging producer ng sariling pelikula
Lovi Poe, na-inspire nina Da King at Coco Martin sa pagiging producer ng sariling pelikula
Source: Instagram

"Actually, a lot, eh. Maybe my dad is one of those. Of course, I saw from him that he would produce his own stories. Because, he probably has many ideas that he wants to execute," ," ani Lovi.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Lovi na si Coco Martin ay naging malaking impluwensya sa kanya. "And of course Coco is also one. I was with him in 'Batang Quiapo.' I watch him how he handles everything. He's wearing so many hats. He's the actor, director, writer, producer. And it's inspiring," dagdag ng aktres.

Dahil sa dami ng ginagawa ni Coco sa produksyon, hindi naiwasan ni Lovi na tanungin kung nakakahanap pa ba ng oras matulog si Coco. Ibinahagi ni Lovi ang isang pagkakataon na nakita niyang natutulog si Coco habang sila ay nasa lounge bago bumiyahe papuntang Milan para sa ASAP.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro

Sa kasalukuyan, ipinalalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Lovi na Guilty Pleasure, kung saan hindi lamang siya ang pangunahing bituin kundi siya rin ang isa sa mga producer. Ayon kay Lovi, ang mga natutunan niya mula sa kanyang ama at kay Coco ay naging mahalagang gabay sa paggawa ng kanyang sariling pelikula.

Si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampanan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Read also

Anne Curtis, nag-react sa 'asawa ni Anne Curtis' video ni Erwan

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate